Imatong Baratilyo Community Pantry

Imatong Baratilyo Community Pantry As you grow older, you will discover that you have two hands, one for helping yourself, the other for helping others.-----Audrey Hepburn

Affordable and price-worthy drinks and food in town! Check it out guys!
24/02/2024

Affordable and price-worthy drinks and food in town! Check it out guys!

Wishing every one a blessed and prosperous 2023! May all your wishes be fullfilled and all your dreams come true🙏
02/01/2023

Wishing every one a blessed and prosperous 2023! May all your wishes be fullfilled and all your dreams come true🙏

26/12/2022

Blessed Christmas to all!

Always remember that HEALTH is WEALTH
04/11/2022

Always remember that HEALTH is WEALTH

Maraming salamat po sa lahat ng nagbigay para sa mga in-kind and monetary donations. Ito na po ang naging second wave po...
30/04/2021

Maraming salamat po sa lahat ng nagbigay para sa mga in-kind and monetary donations. Ito na po ang naging second wave po ng ating community pantry. Ang ating pong mga kababayanan na kawayan farmers at iba pa nilang kasamahan at kabaranggay ang nabiyayaan/nabigyan ng ating munting handong po. Pinuntahan po natin ang kanilang lugar para po maihatid ang inyong mga donasyon. Walang mahirap at mabigat na gawain kung tulong-tulong at sama-sama. Muli po ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyong lahat.

"No one has ever become poor by giving."--Anne Frank

"We make a living by what we get, but we make a LIFE by what we GIVE." --Sir Winston Churchill

Magkakaroon po tayo ulit ng community pantry this week kaso po iibahin po natin ang ating paraan ng pamimigay para maiwa...
26/04/2021

Magkakaroon po tayo ulit ng community pantry this week kaso po iibahin po natin ang ating paraan ng pamimigay para maiwasan po natin ang biglaang pagdagsa or paghaba ng pila para po sa kaligtasan nating lahat. At pati na rin po para maabutan o maiparating pa ang tulong sa iba naman nating mga mamamayan na talagang nangangailangan. Kung may kakilala po kayong tao o yung mga walang pinagkukunan ng pangangailangan nila sa araw-araw na alam nyo pwedeng maabutan, magMESSAGE lang po kayo sa page namin at makikipag-ugnayan po kami sa inyo kung kailan at papaano makakakuha po ng tulong para kahit sa isang araw ay hindi na po kayo mag-iisip kung saan kukuha ng mailalagay sa mesa. Mula po sa Imatong Baratilyo Community Pantry kasama ang mga taong nag abot ng kanilang mga tulong at mga donasyon, muli po ang aming taos pusong pasasalamat.

Don't worry about anything, but in all your prayers ask God for what you need, always asking him with a thankful heart (Philippians 4:6-7)

Gusto po naming magpasalamat sa mga taong sumuporta, nag-abot/nagbigay ng kanilang mga donations, sa mga volunteers na n...
24/04/2021

Gusto po naming magpasalamat sa mga taong sumuporta, nag-abot/nagbigay ng kanilang mga donations, sa mga volunteers na nagbigay ng kanilang time sa pag-aasikaso ng mga pagkain/groceries na ilalagay sa community pantry at lalong lalo na po sa mga kaibigan at kamag-anak namin na hindi kami nagdalawang salita at bukas palad na nag-paabot ng kanilang mga tulong para maisakatuparan ang aming munting community pantry na naisagawa kaninang hapon. Sana po kahit papaano ay napasaya at nakatulong kami sa inyo sa munting paraan na nakayanan namin. Paumanhin po sa mga hindi po nakaabot sa kadahilanan na limited lang po ang stocks na meron kami. Kayang-kaya basta sama-sama at tulong-tulong. Salamat din po sa Panginoon na hindi Niya tayo pinapabayaan kahit anong pagsubok pa ang dumating sa atin. Muli po maraming salamat po. To God be the glory and honor and praise.

Whatever you do, do it all for the glory of God
(1 Corinthians 10:31)

"Sana lahat katulad ni Tatay." Bago po kami mag umpisa ng community pantry, nakita namin si Tatay kagabi. Iniikot niya a...
23/04/2021

"Sana lahat katulad ni Tatay." Bago po kami mag umpisa ng community pantry, nakita namin si Tatay kagabi. Iniikot niya ang mga baranggay sa Pililla para kumuha ng kaning-baboy. Tinawag namin siya at binuksan ang cart na gagamitin para sa community pantry na gagawin namin mamaya. Binigyan namin siya ng sando bag at sinabihan namin na kumuha siya ng kailangan niya para sa bahay niya. Pero nagulat kami kasi ang kinuha lang ni Tatay eh lata ng sardinas. Nahihiya pa siyang nagtanong kung pede daw dalawang lata ng sardinas ang kunin niya. Tinanong namin siya kung kailangan niya ng noodles, bigas, gatas at kung ano ano pa ang inalok namin. Ang sagot niya oo, pero hindi daw siya tagabaranggay Imatong at baka maubusan ang mga tagabaranggay namin. Sinabi namin na open yung community pantry sa lahat ng kababayan natin. Kaya sabi namin na kumuha lang siya ng kailangan niya pero ang kinuha lang ni Tatay eh bigas, noodles, at sardinas. After that eh pinapunta namin siya sa vegetable section. The same thing din ang ginawa ni Tatay. Kumuha lang siya ng 2 pirasong talong, 3 kamatis at isang sayote kasi yun lang daw ang kailangan niya at para hindi maubusan ang ibang kukuha pa. Ang sabi pa ni Tatay akala niya sa Manila lang meron ng ganitong klase at nagpasalamat siya bago umalis.

The highest wealth is the absence of greed-----Lucius Annaeus Seneca

Maglulunsad na rin po tayo ng Community Pantry para makatulong sa mga higit pang nangangailangan sa panahon ngayon.Simul...
23/04/2021

Maglulunsad na rin po tayo ng Community Pantry para makatulong sa mga higit pang nangangailangan sa panahon ngayon.

Simula po ngayon ay tatanggap na kami ng mga donasyon para sa Imatong Pililla Community Pantry!

FOR IN-KIND DONATIONS gaya po ng bigas, noodles, de lata, tinapay, gulay, packed condiments at iba pa; hygiene products gaya po ng sabon, shampoo, toothpaste at iba pa; alcohol, face masks, vitamins at iba pa...

Maaari ninyo pong ihatid ang mga ito sa drop off location sa Imatong Baratilyo Foodpark (sa may tapat lang po ng Robinsons Easymart) at hanapin sila Elia Ruth Estares, Larelle May Matulin, Nisa Bugay, at Mischelle Rejer. Manatili lang pong naka face mask at face shield bilang pagsunod sa health protocol ng bayan.

FOR MONETARY DONATIONS:

Maaaring magpadala ng tulong pinansyal base sa inyong kakayahan kay:

Larelle May Matulin
GCash: 09665377568

Kapag nakalikom na po tayo ng mga donasyon ay agad nating bubuksan ang community pantry ( once a week ) at maglalabas ng update ukol sa araw at oras.

Ang layunin po nitong munting handog na ito ay makatulong pa sa iba nating mga kababayan na sapat lamang ang kinikita sa araw-araw at para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho ngayong pandemya.

"Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan."

Para sa mga nais pang tumulong, mag-volunteer, o may mga katanungan, maaari po kayong mag mensahe dito sa page na ito.

MARAMING SALAMAT PO!

Thank you po Madam A (ayaw magpakilala/magpakita) sa donation po ninyong mga gulay para sa amin gagawin na munting commu...
23/04/2021

Thank you po Madam A (ayaw magpakilala/magpakita) sa donation po ninyong mga gulay para sa amin gagawin na munting community pantry. God bless your kind heart po. Marami po ang maabutan ng inyong tulong.

Address

J. P. Rizal Imatong Pililla
Baras
1910

Telephone

+639197234242

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Imatong Baratilyo Community Pantry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share