16/08/2026
isang munting pakiusap
matagal nang may bipolar disorder si mama at sa ngayon ay nakakaranas siya ng depression. dahil dito, pansamantala muna siyang hindi nakakapag-upload ng mga videos at vlogs.
malaking bahagi ng buhay niya ang pag-vlog, at alam naming gustong-gusto niya pa ring makabalik at makapagbahagi muli sa inyo. ❤️
kaya sana, samahan ninyo kami sa pagdarasal para sa kanyang recovery at tuluyang pagbuti. malaking bagay sa kanya ang inyong mga dasal, suporta, at pang-unawa. 🙏🏻
sana sa tamang panahon, makita natin siyang muli sa harap ng camera, masaya at handang mag-vlog. 💗
— ang bunsong anak ni tita merci