12/08/2026
CONFIDENTIAL FUNDS NG DOJ?
Nakatanggap umano ng kabuuang P1.5 bilyong confidential and intelligence funds ang Department of Justice (DOJ) noong kalihim pa ng ahensya si Ombudsman Boying Remulla noong 2025, ayon kay Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice.
"Mayroon siyang P350 million na confidential funds. Nag-request siya kay Zaldy Co ng additional P1 billion and P150 million additional. So for 2025, mayroon siyang P1.5 billion. For the first time in history ng [DOJ], may P1.5 billion na confidential and intelligence funds," saad ni Erice sa "Political Beat" ng One News.
"Naniniwala ako na pag binuksan mo lahat ng confidential funds, baka mayroon ding ‘Mary Grace Piattos,’ mga ‘McDonald’s,’ baka mayroon ding ‘Jollibee,’ kasi nga ang concept, kaya madaling nakawin ’yang confidential funds… puwede kang maglagay ng aliases on the claim na pinoprotektahan mo ’yung identity ng asset," dagdag niya.