10/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | Wika Ko, AI-ngat Mo: Ang Daan ng Kaalaman sa Bagong Panahon
Nagkakaisang boses ng marami, panahong dapat ipagmalaki, na sisimulan sa paaralan kung saan ang mga kabataan ang magiging daan upang itaguyod ang makabuluhang Buwan ng Wika. Ito ang hudyat ng muling pagbibigay-halaga sa wikang pambansa ngayong Agosto isang buwan ng pagkilala at pagpapahalaga sa ating sariling wika.
Ngunit sa panahon ngayon, unti-unti nang nagbabago ang ihip ng hangin at tila nakakalimutan na ng ilang Pilipino ang sariling wika dahil mas pinapaboran ang mga wikang banyaga. Ang pagpapahalaga sa wika ay hindi lamang nasusukat sa paggawa at pagsusuot ng mga katutubong kasuotan o pakikilahok sa mga makabayang okasyon. Ito ay isang seryosong paalala para sa lahat. Hindi baโt isang napakalaking pagkakamali ang hayaan na lamang mamatay ang sariling wika, kasabay ng pagkawala nito ang paglahong unti-unti sa dignidad ng ating pagiging Pilipino?
Ang Buwan ng Wika ay isang mahalagang pagdiriwang para sa mga Pilipino sa Pilipinas tuwing Agosto. Saklaw nito ang buong buwan, kung saan nakikilahok ang mga paaralan, ahensya ng pamahalaan, at iba pang sektor sa ibaโt ibang gawaing naglalayong pahalagahan ang ating wika at kultura.
Alam niyo bang idineklara ni Pangulong Fidel V. Ramos ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika noong 1997 sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1041? Sa paglipas ng panahon, ang pagdiriwang na dating tinatawag na Linggo ng Wika ay naging isang buong buwang pagdiriwang ng wika at kultura.
Ngunit sa pagpasok ng makabagong panahon, tila nagbago na rin ang ihip ng hangin. Hindi na lamang mga aklat, tradisyonal na patimpalak, at kasuotan ang ating mararanasan. Sapagkat sa taong ito, maaari nating itanong sa ating sarili: Nabubuhay pa ba ang ating sariling wika, o ito ba ay unti-unti nang naglalaho na parang bula?
Tila ba ito ay nakasentro na sa isang makasaysayang realidad ng mundo isang pagbabagong tatatak sa puso at isip kung ano ang maaaring maitulong o makaapekto sa ating lahat. Dahil sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, partikular na ang Artificial Intelligence o AI, nagkakaroon tayo ng bagong tulay tungo sa mas malawak na mundo ng impormasyon.
Maaaring makatulong ang AI sa pagbibigay-linaw sa mga konsepto, pagsasalin, pananaliksik, at pag-aaral gamit ang ating wika. Maaari rin itong makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman at pag-unawa ng mga Pilipino sa kahalagahan ng wikang ginagamit at nauunawaan ng nakararami.
Gayunpaman, hindi nangangahulugan na dapat tayo lubusang umasa sa AI. Mahalaga pa rin ang sariling pag-iisip, pagsusuri, at paggamit ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Maaari ring magkaroon ng pagkakamali ang AI sa paggamit o pagsasalin ng mga salita, lalo na sa mga katutubong wika. Kaya naman, kailangan pa rin ang responsableng paggamit nito.
Sa pagtatapos nito, tandaang hindi kailangang maging banta ang pag-usbong ng makapangyarihang Artificial Intelligence sa ating bansa at sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Hindi ito ang dahilan upang kalimutan at balewalain natin ang ating sariling wika. Sa halip na itaboy at sisihin ang teknolohiya, dapat natin itong yakapin at gamitin nang may pananagutan at pagpapahalaga.
Gamitin natin ang AI bilang isang makabagong teknolohiya na maaaring maging daan sa pagpapalawak ng kaalaman at magsilbing tulay upang mas maunawaan ng nakararami ang kahalagahan ng ating wika.
Marahil, ang iba ay nagtataka at hindi sumasang-ayon dito. Ngunit ating tandaan na tao rin ang lumikha ng AI. At tayong mga tao rin ang may kakayahang pumili kung paano ito gagamitin. Hindi ito ang dahilan ng pagkawala ng ating wika; sa halip, maaari itong magsilbing kasangkapan upang patuloy nating mapangalagaan, magamit, at mapalaganap ang ating wika para sa susunod na henerasyon ng mga Pilipino.
๐ช๐ด๐ช๐ฏ๐ถ๐ญ๐ข๐ต ๐ฏ๐ช ๐๐ฉ๐ข๐ณ๐ญ๐บ๐ฏ ๐๐ข๐ฃ๐ฆ ๐๐ข๐ด๐ค๐ฐ๐ฏ
๐๐ญ๐ถ๐ด๐ต๐ณ๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ช ๐๐ณ๐ช๐ฏ๐ค๐ฆ๐ด๐ด ๐๐ช๐ข๐ฏ๐ฏ๐ฆ ๐๐ข๐บ๐ฏ๐ฐ
๐ญ๐ข๐บ๐ฐ๐ถ๐ต ๐ฏ๐ช ๐๐ฐ๐ฉ๐ฏ ๐๐ข๐ต๐ฉ๐ข๐ฏ๐ช๐ฆ๐ญ ๐๐ด๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ข