25/09/2025
TINGNAN: Dalawang araw matapos manalanta ang Super Typhoon Nando, ay dumating na ang C-130 Aircraft ng Philippine Air Force dito sa Batanes lulan ang 600 Family Food Packs (FFPs) mula sa DSWD, at iba pang mga kagamitan mula sa Department of Health (DOH) gaya ng Medical Emergency Kits at mga Vitamins.
Tulung-tulong naman ang Ibat-ibang mga Uniformed Personnel gaya ng Batanes Police Provincial Office , Batanes Provincial Mobile Force Platoon, BFP R2 Batanes Provincial Office, Philippine Navy (Marines), Philippine Coast Guard, CAFGU at mga Reservist ng AFP sa pagbubuhat ng mga FFPs mula Basco Airport hanggang PDDRMO Logistics Hub para sa wastong disposiyon ng mga ito.
Ang isa pang layunin ng C-130 aircraft ay upang maisakay na rin pauwi ng manila ang mga Local Stranded Individuals (LSI) at mga Turista na noong bago pa bagyo hindi makaalis ng probinsya.