26/10/2025
22 yrs old me. Mga alaala ng masaya, malungkot at masakripisyong panahon. Katatapos lang ng SCOUT namin dito at bakas pa ang mga sugat, marka ng trainings saaking katawan. Nakadestino sa malayong lugar nakatira sa kampo. Madalang makauwi. Ito yung mga panahong walang nakakaalam sa mga kaibigan at kapamilya kung ano bang mga ginagawa namin sa trabaho sa bundok.. Tuwing may operasyon, nilalakad, inaakyat at pinapatrolyahan lang naman namin ang ating mga kabundukan.. nagchecheck point din kami ng mga pumapasok at lumalabas ng rehiyon. Sa mga kagaya naming katatapos lang ng training at bata pa, dito kami madalas mag simula ng duty, sanay na sanay pa ang katawan, excited pa ang galawan.. ito yung prime ng pisikal na lakas namin, na kahit buong araw na takbuhan, akyatan,e sisiw lang mga yan may dala dala kapang caliber 60, mga bala at bag na puno ng ayuda.. Mukhang patpatin pero di oxygen pang24hrs na lakas..:D Iba talaga ang lakas kapag galing ka sa training. Ito yung mga panahong kaya ko pa mag 360 dunk at gumwardya na parang di napapagod sa Basketball. Angsarap balikan yung panahong disiplinado pa tayo sa training,fit and healthy body pa. Pagkatapos ng duty balik sa duyan, soundtrip, hihintayin ulit ang task o palitan ng duty, hihintaying makapagbakasyon din.. Kahit paano anglayo narin ng nalakbay natin.. kung di siguro natin napasok ang serbisyo baka Artista na tayo leading man ni Bea Alonzo. Char! Hehe
Pampagoodvibes lang heheh :'D peace yow!