
12/06/2025
Ilang taon na ang nakalipas nang minsa'y tumindig ang kapwa nating Pilipino para ipaglaban ang ating sariling kasarinlan, kalayaan mula sa armas, espada, at karahasan na naging bunga ay dugo at pawis para sa ating inang bayan.
Sa tagal ng panahon, nagkaroon ng ibang kahulugan ang kasarinlan na ipinaglalaban. Ang minsang kinatatakutang sandata at armas ay napalitan ng takot mula sa mga kumikitil sa boses ng katarungan, tinig ng kabataan, at kasalatan na dulot ng mga nakabarong na kawatan.
Ngayon, ipaglaban natin ang tunay na kasarinlanโmula sa kahirapan, kawalan ng hustisya, at pagtuligsa sa bawat tao sa ating bayan. Muli nating iwagawayway ang watawat na simbolo ng pagtanggi at paglaban.
๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง, ๐ง๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง ๐๐ญ ๐ค๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ฆ๐๐ง.
Maligayang araw ng kasarinlan.
๐๏ธ: Elly Zandro S. Baul
๐๏ธ: Charles Martine D. Tria