The Polytechnician

The Polytechnician The Official Student Publication of Bataan Peninsula State University Orani Campus

๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—œ๐—ฆ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ: ๐—ฃ๐—”๐—š๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—ข๐—–'๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ข๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—”๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง ๐—ก๐—” ๐—ž๐—”๐—ก๐——๐—œ๐——๐—”๐—ง๐—ขSa kaliwa't kanang delubyong iyong nararansan sa ating p...
14/07/2026

๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—œ๐—ฆ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ: ๐—ฃ๐—”๐—š๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ง ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—ข๐—–'๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ข๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—”๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง ๐—ก๐—” ๐—ž๐—”๐—ก๐——๐—œ๐——๐—”๐—ง๐—ข

Sa kaliwa't kanang delubyong iyong nararansan sa ating pamahalaan, hahayaan mo bang delubyo rin ang iyong maransan sa loob ng ating pamantasan?

Bilang bahagi ng pamantasan, tinawag na mga OC'seros Peninsularesโ€”binigyan ka ng boses upang ipaglaban ang iyong karapatan na sambitin ang iyong hinaing sa kinauukulan. Ayun lamang ay kung tama ang mga kandidatong iyong pagpipilian.

Sa tagpong ito, maging mulagat ang ating mga mata na magKILATIS ng mga kandidatong ating iluluklok sa puwesto. Dahil ang malayang pagpili ng kandidato, ay sumasalamin sa kalagayan ng pamantasang kilnaalagyan mo ngayon.

Kasangga ninyo ang The Polytechnician na magsiwalat at magKILATIS sa nalalapit na Campus Student Election 2026.



๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ: Pinaigting ng Bataan Peninsula State University (BPSU) at Aurora State College of Technology (ASCOT) ang ugna...
03/07/2026

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ: Pinaigting ng Bataan Peninsula State University (BPSU) at Aurora State College of Technology (ASCOT) ang ugnayan nito sa pamamagitan ng Memorandum of Understanding (MOU) at Benchmarking Activity ngayong ika-3 ng Hulyo, sa BPSU-Orani Campus.

Layunin nito na maisulong ang kolaborasyon sa fish processing, pananaliksik, at pakikipagpalitan ng best practices sa pagitan ng dalawang institusyon, partikular sa Smoked Fish Processing Technology.

---

Ulat at Larawang Kuha ni Zach Angelo T. Ocampo


๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ: ๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—•๐—˜๐—ž๐—œ, ๐—›๐—จ๐—ช๐—”๐—š ๐— ๐—”๐—ฆ๐—›๐—ข๐—ž๐—ข๐—ง!Ganyan ang sigaw na maririnig sa Sari-Gamit Court ng Bataan Peninsula State Universi...
29/06/2026

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ: ๐— ๐—”๐—ž๐—œ๐—•๐—˜๐—ž๐—œ, ๐—›๐—จ๐—ช๐—”๐—š ๐— ๐—”๐—ฆ๐—›๐—ข๐—ž๐—ข๐—ง!

Ganyan ang sigaw na maririnig sa Sari-Gamit Court ng Bataan Peninsula State University-Main Campus (BPSU-MC) matapos ganapin ang BPSU Pride Month 2026 na may temang "Marching for Equality, Speaking for Rights." Pinangunahan ng POSE: House of Iris at University Student Government (USG) ang aktibidad na ginanap ngayong ika-29 ng Hunyo.

Ulat ni Jubail Rov A. Casbadillo
Mga Larawang Kuha ni Stephanie Heart V. Guillen


Sa loob ng ilang taong pagsulong ng malayang pamamahayag. Paghahatid ng katotohan at kaliwanagan, muling magbubukas ang ...
23/06/2026

Sa loob ng ilang taong pagsulong ng malayang pamamahayag. Paghahatid ng katotohan at kaliwanagan, muling magbubukas ang pintuan ng modernong peryodismo,

Kami, ang The Polytechnician--ang opisyal na pahayagang pang mag-aaral ng Bataan Peninsula State University - Orani Campus ay muling tumatanggap ng mga bagong estudyanteng mamamahayag.

Hinahanap namin ang mga OC'seros Peninsulares na may dedikasyon, disiplina, at kahandaang hasain ang kanilang kakayahan sa larangan ng pamamahayag.

Maaari kang mag-apply sa mga sumusunod na dibisyon:

-Writers
-Photojournalists
-Illustrators/Cartoonists
-Broadcasters
-Layout Artists
-Videographers/Editors
-Copy Editors

Kung nais mong gamitin ang iyong talento sa paglilingkod, pamamahayag, at paghahatid ng katotohanan, huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng publikasyon.

Pindutin lamang ang link sa ibaba:
https://forms.gle/kV2TVNTBiqBarDmC6
https://forms.gle/kV2TVNTBiqBarDmC6
https://forms.gle/kV2TVNTBiqBarDmC6

Paalala: Gamitin ang iyong BPSU Email Account upang ma-access ang TP Application Form Link. Ang aming pagtanggap ng aplikasyon ay bukas mula ngayong ika-23 ng Hunyo hanggang ika-24 ng Hulyo.

๐—ง๐—ฟ๐˜‚๐˜๐—ต ๐˜„๐—ถ๐—น๐—น ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฒ ๐˜๐—ผ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜, ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜ ๐˜„๐—ถ๐—น๐—น ๐—ถ๐—ด๐—ป๐—ถ๐˜๐—ฒ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—™๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ๐—ฑ๐—ผ๐—บ. ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐˜†๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐—ต๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—ป!



๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ: Opisyal nang binuksan ng Bataan Peninsula State University - Orani Campus (BPSU-OC) ang panibagong akademikon...
23/06/2026

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ: Opisyal nang binuksan ng Bataan Peninsula State University - Orani Campus (BPSU-OC) ang panibagong akademikong taon 2026-2027. Kasabay nito ang pagsalubong sa mahigit 532 first year students. Ito'y ginanap sa Academic Building ng BPSU-OC, ika-22 ng Hunyo.

Ulat ni Marjorie H. Flores
Mga Larawang Kuha ni Zach Angelo T. Ocampo


22/06/2026

๐—”๐—ณ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿฏ ๐˜†๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐˜€...๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ-๐—ผ๐˜€๐˜†๐—ผ๐˜€๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ง๐—ฃ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ข๐—–'๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ๐˜€!

Samahan niyo kaming kumustahin ang mga freshie at senior OC'seros sa panibagong akademikong taon.

Ikaw, anong kwentong first day mo?

---

Host: Jubail Rov A. Casbadillo
Videographer: Stephanie Heart V. Guillen
Video Editors: Jubail Rov A. Casbadillo, Stephanie Heart V. Guillen, at Elizabeth Christine G. Vasquez


๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—œ: ๐™‰๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‡๐™ช๐™ข๐™ž๐™ฅ๐™–๐™จ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ฟ๐™–๐™ฅ๐™ž๐™ฉ-๐™๐™–๐™ฅ๐™ค๐™ฃItong tagubilin ang aking iniwan,sa iyo lamang pinagkatiwala.Sa tahimik na umagang...
21/06/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—œ: ๐™‰๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‡๐™ช๐™ข๐™ž๐™ฅ๐™–๐™จ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ฟ๐™–๐™ฅ๐™ž๐™ฉ-๐™๐™–๐™ฅ๐™ค๐™ฃ

Itong tagubilin ang aking iniwan,
sa iyo lamang pinagkatiwala.
Sa tahimik na umagang ito,
aking puso'y nagsasalita.

Sa ilalim ng punong may lilim,
ako'y payapang nakaupo.
Habang sumasayaw ang hangin,
ikaw ang laman ng puso.

Naalala ko pa ang mga araw,
na abot-kamay pa ang mundo mo.
Ang maliliit mong hakbang noon,
ay ngayon malalayo na.

Hindi ko namalayang lumipas,
ang napakaraming panahon.
Ang batang nasa tabi ko noon,
ay handa nang maglakbay.

Kaya may nais akong iwan,
na higit pa sa kayamanan.
Dahil ang buhay ay hindi laging,
kasing payapa ng paligid.

Kapag nadapa ka, bumangon ka.
Kapag napagod ka, magpahinga.
At kapag natakot ka sa bukas,
huwag mong kalilimutan ito.

Piliin mong maging mabuti,
kahit walang nakakakita.
Sapagkat ang kabutihan mo,
ang tunay mong pagkakakilanlan.

May mga araw na malulungkot,
at may gabing mabibigat.
Ngunit huwag mong hahayaang,
lamunin ka ng pagdududa.

At kung dumating ang araw,
na gusto mo akong makausap,
bumalik ka lamang dito,
sa ilalim ng punong ito.
Tahimik kang maupo sandali,
at pakinggan ang hangin.
Dahil dito ko palaging,
iiwan ang aking pagmamahal.

Ngunit may isang bagay, anak,
na hindi ko pa nasasabi.
Ang tagpong ito na iniisip mo,
ay alaala mo na lamang pala.

Sapagkat ang amang kausap mo ngayon,
ay hindi na nakaupo sa ilalim ng puno.
Matagal na akong namamahinga,
at ang liham na ito ang natagpuan mo.

---

Tula ni Zach Angelo T. Ocampo
Larawang Kuha at Paglalapat ni Stephanie Heart V. Guillen


๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ: Bilang bahagi ng proyekto ng Bataan Peninsula State University-Orani Campus (BPSU-OC) Campus Student Governme...
17/06/2026

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ: Bilang bahagi ng proyekto ng Bataan Peninsula State University-Orani Campus (BPSU-OC) Campus Student Government (CSG), isinagawa ang Brigada Eskwela bilang paghahanda sa pagpasok ng panibagong akademikong taon. Katuwang ng CSG ang ilang organisasyon sa kampus, kabilang ang College of Business and Accountancy (CBA), at ang 39 volunteers mula sa National Service Training Program. Ito'y ginanap ngayong ika-17 ng Hunyo.

---

Ulat ni Marjorie H. Flores
Mga Larawang Kuha ni Stephanie Heart V. Guillen


๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—œ: ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€-๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฑHabang pinagmamasdan ko ang malawak na bukirin na kinatitirikan ng aming tahanan, hindi...
29/05/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—œ: ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€-๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฑ

Habang pinagmamasdan ko ang malawak na bukirin na kinatitirikan ng aming tahanan, hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot at panghihinayang. Tuwing sumasagi sa aking isipan ang mga tanong na,

"Hanggang dito na lang ba ako? Wala na bang pagbabago?"

Tila ba pinagkaitan ako ng oportunidad na makaranas ng kahit kakarampot na kasaganahan. Salat. Kapos.

Sa kalagitnaan ng aking panaghoy, naalala ko si Tatay Armano, isang jeepney driver. Hindi niya alintana ang init ng kalsada para lamang may mauwi sa kaniyang pamilya. Kaya noong tumaas ang gasolina, halos pinagsakluban siya ng langit at lupa. Sinubukang magprotesta ni Tatay Armano ngunit wala naman itong nagawa. Kaya ngayon, mula madaling araw hanggang hatinggabi ay laman ng kalsada si Tatay Armano. Pinaglalabanan ang gutom at pagodโ€”para may laman ang tiyan ng kaniyang pamilya.

Si Mang Berting. Isang magsasaka. Napilitang ibenta ang kaniyang lupain. Sa taas ng bilihin, lugi at walang bumabalik na kita sa kaniyang sakahan. Kaya ang noo'y nagmamay-ari ng lupain, ngayo'y nangangamuhan sa isang haciendero galing sa ibang bansa. Kinakaya dahil talo rin naman kung susuko agad.

Si Lolo Mando naman, isang lisensyadong doktor noong kaniyang kabataan. Dahil sa katandan, pinili niya na lamang na manirahan dito sa aming bayan. Kung aking aalalahanin, hindi mailarawan na isa siyang doktor noong kaniyang kapanahunan. Nakatira na lamang kasi ito sa isang barong barong. Wala kasi itong pensyong natatangap buwan-buwan. Kaya ang kaniyang kinakain ay ang kamoteng kahoy na tumutubo sa likod ng kaniyang barong barong na bahay.

Ilan lamang sila sa aming bayan na naghihikahos 'tulad ko. Walang magawa, dahil ang sistema mismo ang nagdala sa amin sa sitwasyong ito.

Kahit anong protesta at pagalma ang aming gawinโ€”patuloy pa ring tikom at sarado ang utak ng mga may kapangyarihan. Kaya binabalewala na lang namin sa aming bayan ang mga balita na aming naririnig.

Hindi dahil wala kaming pakialam. Pero dahil napagod na lamang kaming umasaโ€”na maaasam pa namin ang pagbabago na kanilang ipinangako. Kaya't habang nababanat pa ang buto't kasu-kasuan, susubukan naming mabuhayโ€”nang wala ang tulong nila.

---

Maikling Kwento ni Jubail Rov A. Casbadillo
Dibuho ni Raj Anthony F. Allabon
Paglalapat ni Zach Angelo T. Ocampo


๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—œ:๐€๐ง๐š๐ค-๐๐š๐ฐ๐ข๐ฌMay mga umagang hindi na kailangang gisinginโ€”Dahil awtomatiko naman itong dumarating. kusang ibinaban...
01/05/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—œ:

๐€๐ง๐š๐ค-๐๐š๐ฐ๐ข๐ฌ

May mga umagang hindi na kailangang gisinginโ€”
Dahil awtomatiko naman itong dumarating.
kusang ibinabangon ang mga katawan
na sinanay na ng gutom at pangangailangan.
Mga paang may kalyo sa talampakan,
at palad na nagasgas dahil sa paulit-ulit na paggawa.

Bawat makapal na kalyo,
tanda nito ang pagkayod ng mga napupudpod na tsinelas sa mainit na kalsada.
Bakas ng mga araw na walang pahinga;
Marahil kung mayroon man, ito'y binabalot ng pagaalala,
kung magiging sapat ba sa loob ng isang buwan ang kakarampot na kita.

Sa kanilang mga kamay
nakaukit ang bigat ng mundo;
sa kanilang mga paa'y
napapansin kung gaano kahaba ang kalsadang nilakad
para lamang maitawid ang isang pamilya.

Hindi sila nagrereklamo.
Kahit unti-unting nauupos
ang lakas sa kanilang mga buto.
Patuloy silang tumatayo,
kahit ang katawan ay matagal nang pagod.

At sa bawat kalyo
na tila may maliit at payak na sugat,
naroroon ang buong kasaysayanโ€”
ng mga manggagawang tahimik na nasasaktan,
ngunit patuloy na lumalaban para mabuhay ang bayan.

---

Tula at Paglalapat ni Zach Angelo T. Ocampo
Dibuho ni Raj Anthony F. Allabon


Address

Brgy. Bayan, Orani
Bataan
2112

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Polytechnician posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share