Rated J

Rated J Para sa Overseas Filipino, mula sa Overseas Filipino. Rated J. News and Info.
(1)

BOSES NG OVERSEAS FILIPINOMga ka-Rated J, Itinanggi ni Senator Jinggoy Estrada ang pahayag ni dating Bulacan 1st distric...
10/09/2025

BOSES NG OVERSEAS FILIPINO
Mga ka-Rated J, Itinanggi ni Senator Jinggoy Estrada ang pahayag ni dating Bulacan 1st district assistant engineer Brice Hernandez na sangkot siya sa maanomalyang flood control projects sa kanyang privilege speech sa pagdinig ng Senado.

Idinawit din ni Engr Hernandez si Sen Joel Villanueva sa kontrobersiya.

Naniniwala ka ba sa statement ni Engr Hernandez? Magkomento na sa ibaba.




ANG SALITA NG DIYOSLucas 6, 20-26Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San LucasNoong panahong iyon, tumingin si Hes...
10/09/2025

ANG SALITA NG DIYOS
Lucas 6, 20-26
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, tumingin si Hesus sa mga alagad, at kanyang sinabi,
“Mapalad kayong mga dukha, sapagkat ang Diyos ang maghahari sa inyo!”
“Mapalad kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayo’y bubusigin!”
“Mapalad kayong mga tumatangis ngayon, sapagkat kayo’y magagalak!”
“Mapalad kayo kung dahil sa Anak ng Tao kayo’y kinapopootan, ipinagtatabuyan at inaalimura ng mga tao, at pati ang inyong pangalan ay kinasusuklaman. Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung ito’y mangyari, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit — gayun din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.”
“Ngunit sa aba ninyong mayayaman ngayon, sapagkat nagtamasa na kayo ng kaginhawahan!”
“Sa aba ninyong mga busog ngayon, sapagkat kayo’y magugutom!”
“Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon, sapagkat kayo’y magdadalamhati at magsisitangis!”
“Sa aba ninyo, kung kayo’y pinupuri ng lahat ng tao, sapagkat gayun din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.




Ang ating panalangin ngayong araw ng Miyerkules.
09/09/2025

Ang ating panalangin ngayong araw ng Miyerkules.




Ang bagong nine-member minority block ng Senado.
09/09/2025

Ang bagong nine-member minority block ng Senado.

Pinangalanan ng contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya II ang ilang mga kongresista at mga opisyal ng Department of ...
09/09/2025

Pinangalanan ng contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya II ang ilang mga kongresista at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na umano’y, sa kanyang testimonya, ay nanghingi ng pera sa kanyang kumpanya matapos itong manalo sa isang government project bid.

Sa ikatlong pagdinig ng Senate blue ribbon panel sa mga umano'y iregularidad sa mga proyektong pangkontrol sa baha noong Lunes, tinukoy ni Discaya ang mga sumusunod:

Terrence Calatrava, dating undersecretary of the Office of the Presidential Assistant for the Visayas of the Philippines

Rep. Roman Romulo ng Pasig

Rep. Jojo Ang of Uswag Ilonggo Partylist

Rep. Patrick Michael Vargas ng Quezon City

Rep. Juan Carlos “Arjo” Atayde ng Quezon City

Rep. Nicanor Briones ng AGAP Partylist

Rep. Marcy Teodoro ng Marikina

Rep. Florida Robes ng San Jose del Monte, Bulacan

Rep. Eleandro Jesus Madrona ng Romblon

Rep. Benjamin Agarao Jr.

Rep. Florencio Noel ng An-waray Partylist

Rep. Reynante Arrogancia ng Quezon

Rep. Marvin Rillo ng Quezon City

Rep. Leody Tarriela

Rep. Teodoro Haresco ng Aklan

Rep. Antonieta Eudela ng Zamboanga Sibugay

Rep Dean Asistio ng Caloocan

Rep. Marivic Co-pilar ng Quezon City

Sinabi rin ni Discaya na ang mga sumusunod na opisyal ng DPWH ay sangkot sa "flood control":

Regional Director Eduarte Virgilio ng DPWH Region 5

Director Ramon Arriola III of Unified Project Management Offices (UPMO)

District Engineer Henry Alcantara ng DPWH Bulacan 1st

Undersecretary Robert Bernardo

District Engineer Aristotle Ramos ng DPWH Metro Manila 1st

District Engineer Manny Bulusan ng DPWH North Manila DEO

District Engineer Edgargo Pingol ng DPWH Bulacan sub-DEO

District Engineer Michael Rosaria ng DPWH Quezon 2nd DEO

Ayon kay Discaya, laramihan sa mga opisyal ng DPWH na binanggit ay paulit-ulit na nagsasabi na ang pera ay dapat ihatid sa Zaldy Co, at ito ay dapat na hindi bababa sa 25 porsiyento.

Ayon din kay Discaya, ilang beses niyang binanggit ang pangalan ni Speaker Martin Romualdez bilang kanyang malapit na kaibigan ni Cong. Marvin Rillo.

Inihayag ng lalaking Discaya na paulit-ulit na sinasabi ni Rillo na ang kanyang kahilingan para sa mga pondo ay nagmula sa mga hindi nakaprogramang pondo at mga insertion na inaprubahan ni Speaker Romualdez.

Sa isang sinumpaang salaysay, ipinahayag din ng magkasosyong sina Cezarah at Pacifico na, sa ilang pagkakataon, sila mismo ang namimigay ng pera sa mga pulitiko, na inuulit na pinilit silang magbayad nang labag sa kanilang kalooban.

Pinangalanan nila ang mga politikong ito ng mga sumusunod:

Rep. Antonieta Eudela, kasama ng kanyang asawa

Rep. Marvin Rillo ng Quezon City

Rep. Nikki Briones ng AGAP Partylist

Arturo N. Atayde, tatay ni Rep. Arjo Atayde

Rep. Florencio Gabriel “Ben” Noel ng An-Waray Partylist

Rep. Eleandro Jesus Madrona ng Romblon

Rep. Benjamin “Benjie” Agarao Jr.

Iginiit din ng mag-asawang Discaya na ang kanilang mga kumpanya ay hindi kailanman nagtatag ng anumang mga ghost project, na idiniin na masusing iniinspeksyon nila ang bawat isa.

Mga ka-Rated J, ano ang masasabi mo sa mga pasabog ng mag-asawang Discaya sa Senado? Magkomento na sa ibaba.




ANG SALITA NG DIYOSLucas 6, 12-19Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San LucasNoong panahong iyon, umahon si Hesus...
09/09/2025

ANG SALITA NG DIYOS
Lucas 6, 12-19
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, umahon si Hesus sa isang burol at magdamag doong nanalangin. Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad, at pumili siya ng Labindalawa sa kanila, na tinawag niyang mga apostol: si Simon na pinangalanan niyang Pedro, at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago, Juan, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, at Santiago na anak ni Alfeo, si Simon ang Makabayan; si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote, na naging taksil.

Bumaba si Hesus, kasama sila, at tumayo sa isang patag na lugar. Naroon ang marami sa kanyang mga alagad at ang napakaraming tao buhat sa Judea at Jerusalem, at sa mga bayan sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon. Pumaroon sila upang makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Pinagaling din niya ang mga pinahihirapan ng masasamang espiritu. At sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya sapagkat may taglay siyang kapangyarihang makapagpagaling ng lahat.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.




Ang ating panalangin ngayong araw ng Linggo.
08/09/2025

Ang ating panalangin ngayong araw ng Linggo.




BREAKING NEWS: ICC Pre-Trial Chamber I ipinagpaliban ang kumpirmasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig ng...
08/09/2025

BREAKING NEWS: ICC Pre-Trial Chamber I ipinagpaliban ang kumpirmasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig ng mga kaso.

BOSES NG OVERSEAS FILIPINOMga ka-Rated J, naging talamak na ang korupsiyon sa gobyerno. Bilang OFW, ano ang suggestion m...
08/09/2025

BOSES NG OVERSEAS FILIPINO
Mga ka-Rated J, naging talamak na ang korupsiyon sa gobyerno. Bilang OFW, ano ang suggestion mo upang matigil na ang korupsyon sa gobyerno? Magkomento na sa ibaba.




Muling nahalal si Senador Vicente “Tito” Sotto III bilang Senate president, kapalit ni Senator Francis “Chiz” Escudero.N...
08/09/2025

Muling nahalal si Senador Vicente “Tito” Sotto III bilang Senate president, kapalit ni Senator Francis “Chiz” Escudero.

Nominado si Sotto at pagkatapos ay nahalal matapos ideklarang bakante ang posisyon kasunod ng mosyon na ginawa ni Senador Juan Miguel Zubiri.

Walang kalaban-laban si Sotto.

Si Senador Panfilo “Ping” Lacson ay nahalal bilang bagong Senate President Pro Tempore, kapalit ni Senator Jinggoy Estrada, habang si Zubiri ay hinirang na Senate Majority Leader.

Si Zubiri ang pumalit kay Senator Joel Villanueva.




ANG SALITA NG DIYOSMateo 1, 1-16. 18-23Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San MateoIto ang lahi ni Hesukristo na ...
08/09/2025

ANG SALITA NG DIYOS
Mateo 1, 1-16. 18-23
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Ito ang lahi ni Hesukristo na mula sa angkan ni David na mula naman sa lahi ni Abraham.

Si Abraham ang ama ni Isaac; si Isaac ang ama ni Jacob na ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid. Naging anak naman ni Juda kay Tamar sina Fares at Zara. Si Fares ang ama ni Esrom at si Esrom ang ama ni Aram. Si Aram ang ama ni Aminadab; si Aminadab ang ama ni Naason na ama naman ni Salmon. Naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz, at naging anak naman ni Booz kay Ruth si Obed. Si Obed ang ama ni Jesse na ama ni Haring David.

Naging anak ni David si Solomon sa dating asawa ni Urias. Si Solomon naman ang ama ni Roboam. Si Roboam ang ama ni Abias, at si Abias ang ama ni Asa. Si Asa ang ama ni Josafat, at si Josafat ang ama ni Joram na siya namang ama ni Ozias. Itong si Ozias ay ama ni Jotam na ama ni Acaz, at si Acaz ang ama ni Ezequias. Si Ezequias ang ama ni Manases, at si Manases ang ama ni Amos na ama naman ni Josias. Si Josias ang ama ni Jeconias at ang kanyang mga kapatid. Panahon noon ng pagkakatapon ng mga Israelita sa Babilonia.
Matapos ang pagkakatapon sa Babilonia, naging anak ni Jeconias si Salatiel na ama ni Zorobabel. Si Zorobabel ang ama ni Abiud na ama ni Eliaquim, at si Eliaquim ang ama ni Azor. Si Azor ang ama ni Sadoc na ama ni Aquim; itong si Aquim ang ama ni Eliud. Si Eluid ang ama ni Eleazar; si Eleazar ang ama ni Matan na ama ni Jacob. At si Jacob ang ama ni Jose na asawa ni Maria. Si Maria naman ang ina ni Hesus na tinatawag na Kristo.

Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria’y natagpuang nagdadalang-tao. Ito’y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya’y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito’y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”

Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta:
“Maglilihi ang isang dalaga’t manganganak ng isang lalaki. At tatawagin itong Emmanuel.” Ang kahuluga’y “Kasama natin ang Diyos.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
o kaya: Maikling Pagbasa
Mateo 1, 18-23
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria ang kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria’y natagpuang nagdadalang-tao. Ito’y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanyang panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya’y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito’y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”

Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta:

“Maglilihi ang isang dalaga’t manganganak ng isang lalaki. At tatawagin itong Emmanuel.” Ang kahuluga’y “Kasama natin ang Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.




Address

Batac

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rated J posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Rated J:

Share

Category