14/07/2025
about OWWA Scholarship (EDSP and ODSP). I am posting to share the information I know .
Ang OWWA Scholarship ay pwede lamang sa mga estudyante na may magulang o kapatid na OFW. At ito ay nahahati sa dalawang category: EDSP and ODSP.
Para sa EDSP, may sub-category siya which is EDSP 1 AND EDSP 2. Ang EDSP ay walang income limit, basta di dapat bababa ang GWA sa 85. Tapos 60k per school year po ang nakukuha rito.
a) EDSP 1 - for incoming freshmen students (first year). unfortunately, closed na po ang EDSP 1 dahil last year pa po ang application sa EDSP 1. lagi pong nauuna ang application sa EDSP 1 dahil required po silang mag exam under DOST.
b) EDSP 2 - for 2nd year - 5th year students. wala pong exam dito, grades po ang basis at paunahan po ng slot. afaik, 6 slots per province po.
For ODSP naman po, wala rin siyang exam and open po ito for 1st-5th year students. May income limit po ito na dapat hindi po lalagpas sa 1000 usd ang sahod ng magulang/kapatid per month. Okay lang if yung GWA is mababa sa 85, as long as pasado. Again, paunahan lang din po ng slots. 20k naman po ang nakukuha rito per school year.
Thanks!