21/10/2025
BALITANG PAMPAARALAN: Mga g**o, mag-aaral nagbigay-pugay kay 'Sir JP'
Hindi isang pamamaalam, kundi simula ng isang panibagong paglalakbay.
Isa sa mga pangungusap na binigyang-diin sa iginunitang pagbibigay pugay at pasasalamat kay Master Teacher I, Joecyll Phillip V. Lauron o mas kilala bilang 'Sir JP' sa kanyang Farewell Program na ginanap sa Batan Academy (A National School, Oktubre 21, 2025.
Isinagawa ang “send-off” program bilang anyo ng pagpapakita ng pasasalamat sa serbisyo ng g**o, at bilang 'salubong' sa panibagong yugto ng kaniyang buhay-g**o bilang isang Master Teacher I at Teacher-In-Charge sa Paaralang Elementarya ng Lalab at Nicolas R. Delgado Elementary School.
Pinangunahan ni Dr. Iris S. Clemente ang programa kasangga ang Senior High School (SHS) Department. Kabilang dito ang pag-surpresa kay 'Sir JP', na parte ng programa.
Nagbigay ng munting regalo at mensahe ang mga estudyante at ilang g**o tanda ng pasasalamat nila sa g**o na tumulong sa paghubog ng kanilang mga talento at kaalaman.
Ipinakita rin ang tribute video na gawa ng mga mag-aaral na nagparamdam ng kanilang pasasalamat sa mga aral na kanyang ibinahagi sa kanilang buhay.
Sa pagtatapos ng programa ay nagbigay ng mensahe si Lauron upang ipaalala na hindi ito isang pamamaalam, kung isang panibagong yugto ng kanyang buhay bilang isang g**o.