28/10/2025
Share ko lang ang naexperience ko.
Akala ko simpleng lakad lang tong glass walk sa Monte Maria pero pagdating ko sa dulo ng platform, iba pala yung feeling.
Pag apak ko sa unang salamin, ramdam ko agad yung lamig ng hangin, yung taas ng lugar, at yung kaba na parang gusto ko nang umatras. Kita mo sa ilalim yung bangin, parang hangin na lang ang pagitan mo sa lupa.
Habang bawat yapak mo ay tunog salamin, parang sinasabing “Sigurado ka ba?” Pero syempre, tigas loob! Nandito na eh, kaya tuloytuloy na.
Habang nasa gitna ako, tumigil ako sandali, tumingin sa paligid. Ang ganda ng view dagat sa malayo, bundok sa paligid, at yung hangin na parang sinasabing “relax, kaya mo yan.”
Doon ko narealize, ganito rin pala sa buhay. Minsan, kailangan mong tumapak sa mga bagay na nakakatakot yung mga sitwasyong parang babagsak ka pero kapag nagtiwala ka, marerealize mong matibay pala yung tinatapakan mo.
Hindi lang to basta lakad sa salamin isa tong lakad ng tiwala at tapang.
Kasi sa dulo ng takot, nandon yung tanawin na magpapaalala sayo kung bakit ka patuloy na lumalaban.
Kaya kung minsan gusto mong umatras, tandaan mo minsan, kailangan mo lang lakasan loob at humakbang. Ang ganda ng view sa dulo, promise.