21/05/2022
Bago ka mainip at ma-low morale kung bakit hindi mo pa natutupad ang mga pangarap mo, isipin mo munang mabuti.
Birthday, pasko, bagong taon, at sa halos lahat ng okasyon at holidays wala ka sa bahay mo.
Hindi mo kasama ang pamilya mo.
Mabubuhay ka na sumusunod sa utos ng superior officer at commander mo.
Hindi ka makakauwi sa oras na gusto mo.
Kakauwi mo palang ng bahay, pinapatawag ka na ulit sa duty mo.
Hindi ka na sibilyan.
Hayaan mo na namnamin mo muna ang buhay mo sa labas ng serbisyo habang naghihintay sa tamang oras mo. Dahil kapag nandiyan na ang oras na para sayo, hindi na magiging katulad ng dati ang buhay mo.
Hindi mo na palaging makakausap, makikita at maaalagaan ang iyong mga magulang, asawa, anak, kapatid, lolo, lola ang mga mahal mo sa buhay.
Dahil hindi ka na sibilyan.
Magpasalamat ka na sa ngayon ay malapit ka sa iyong pamilya at mahal sa buhay.
Hindi biro ang propesyon at buhay na nais nating tahakin. Sa mga naghihintay na makapasa ng board exam, makapasa at makakuha ng civil service eligibility at sa mga hindi parin makapasok sa recruitment, huwag mawalan ng pag asa.
Iwasan natin ikumpara ang sarili natin sa ibang tao dahil tulad ng araw at ng buwan, magliliwanag ang ating mga pangarap kapag oras na natin. Magtiwala tayo sa nasa taas โ๐๐ฎโโ๏ธ๐ฎโโ๏ธ