
03/06/2024
Hindi ko to sinasabi palagi pero salamat ha? Sa lahat.
Sa pag-alalay.
Sa pag-intindi.
Sa pag-salo.
Sa pag-salba.
Alam kong may mga bigat ka ring bitbit, pero hindi ka nag- dalawang isip na buhatin din yung mga bigat ng akin. Hindi ka nagsasawa na makinig sa mga kwento kong paulit-ulit. Kahit kailan ay hindi mo ako hinusgahan sa mga desisyon at sitwasyon ko.
Hindi ko kakayanin lampasan lahat kung wala ka.
Sana alam mong nakikita ko lahat nang ginagawa mo para sakin. Hindi mo ako iniwan, ikaw ang naging kakampi ko sa mga panahong buong mundo ang kalaban ko. Inintindi mo ako kahit nung mga panahong hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.
Salamat sa pag-sagip.