
28/02/2024
PANAWAGAN –
Isang concerned citizen mula sa San Pablo City na nagngangalang Jodi Dimayuga ang siyang dumulog sa ating himpilan via messenger dito sa Nutrikswela Radyo Kaisahan 107.7FM upang ipanawagan ang kanilang kamag-anak.
Ang nasa larawan po ay si Nanay Leonila Tolentino o mas kilala sa tawag na “Ila” 60 years old, may mental health problem (problema sa pag-iisip) residente ng Sta. Maria San Pablo City Laguna.
Huli siyang nakita nitong February 20, 2024 at nakuhanan ng video sa Procy o Pamilihang Bayan ng Sariaya.
Mga kababayan atin pong tulungan na mahanap at maibalik sa kaniyang pamilya si Nanay Ila sa pamamagitan ng inyong pag-text sa mga numerong ito: 0995-581-5090/0995-536-5467 kung mangyaring mayroon kayong impormasyon patungkol sa kaniya o nakita niyo siya o di kaya ay ipagbigay sa aming himpilan.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pagtulong!