20/09/2025
ATE GAYYY MAY STAGE 4 CANCER
PLEASE READ : Programang Kapuso Mo, Jessica Soho ibinagi Ang mga larawan ng kasalukuyang kalagayan ng komedyanteng si Ate Gay.
“Parang beke lang siya noon.
“Hindi pantay ang mukha ko. Sabi ng mga kasama ko sa work, ‘Hindi pantay ang mukha mo, pa-check mo ’yan.’
“Nagpa-ultrasound ako at nagpa-CT scan. After CT scan, magpa-biopsy daw ako.
“Ang findings nu’ng una, benign. Nagpa-second opinion ako.
“May show ako sa Canada; medyo lumalaki na siya. At saka nagbi-bleed nang nagbi-bleed.
“Mahirap ngayon ang lagay ko. May kanser ako, stage 4 daw. Magtatagal ba ang buhay ko?
“Ang sabi, hindi na daw ako aabutin ng 2026. Kaya ang sakit-sakit sa akin.
“Hindi na rin daw ako puwedeng operahan. Wala raw lunas.
“Masakit sa akin. Halos araw-araw umiiyak ako. Hindi naman ako nagkulang kay Lord.
“Although lagi kong sinasabi na walang himala.
“Kailangan ko po ng dasal. Kailangan ko po ng lakas at sana po makayanan ko ang araw-araw kong buhay sa ngayon.” — Ate Gayyyy
📸: courtesy (Kapuso Mo Jessica Soho) SHOW / FACEBOOK