04/10/2025
MGA LALAKI, TANDAAN NINYO...!!
Kapag ang babae tumigil na sa pagseselos, sa pagtatanong kung nasaan ka, kung sino kasama mo, at hindi na nagtetext o nag aalala kung Uuwi ka pa-hindi ibig sabihin okay siya. Ibig sabihin, napagod na siya.
Kapag "okay lang" na lang ang sagot niya, o "hindi ako galit," kahit halatang may mabigat sa loob niya-yun na yung huling luha. Wala na siyang lakas para maghabol o magpaliwanag.
Hindi maingay ang babae kapag iniwan ka-naging maingay siya noon kasi gusto ka pa niyang ipaglaban. Pero nung hindi mo siya pinakinggan, unti-unti siyang tumahimik.
At kapag babae na ang sumuko mas masakit.
Alam mo kung bakit?
Kasi hindi agad yan sumuko. Tiniis ka muna, inintindi ka, umiyak nang paulit-ulit nang palihim, bago siya tuluyang bumitaw.
Kaya pag siya na ang umayaw-mas totoo, mas malalim, mas masakit. 💔
゚
Ccto.