23/03/2026
“Hindi lahat ng mali ay mukhang mali.”
Sa panahon natin ngayon, ang pinakamapanganib na deception ay hindi yung "pure evil" na madaling iwasan.
Ang mas nakakatakot ay yung Subtle Deception,yung mukhang tama, mukhang "good," at mukhang "progressive," pero unti-unti ka na palang inilalayo sa Katotohanan. 🥀
Sabi sa 2 Corinthians 11:14:
“At hindi ito kataka-taka, sapagkat si Satanas man ay nagpapanggap na anghel ng liwanag.”
Hindi laging "scary" ang temptation. Minsan, dumarating ito sa anyo ng:
Half-truths: "Okay lang 'yan, konting compromise lang naman."
Feelings over Truth: "Kung ano ang nagpapasaya sa iyo, iyon ang tama."
"God Understands" Mindset: Ginagawang lisensya ang biyaya (Grace) para magpatuloy sa pagkakasala. ☕️
Maging ang mga "hinirang" o ang mga matagal na sa pananampalataya ay pwedeng malinlang (Matthew 24:24). Bakit? Dahil ang kalaban ay parang leon na "umaatungal at naghahanap ng malalamon" (1 Peter 5:8). Hindi siya titigil hangga't hindi niya nadidistract ang focus mo kay Kristo.
Paano tayo hindi maliligaw sa mundong puno ng "Fake News" maging sa spiritual na aspeto?
Go back to the Word: Kung hindi mo alam ang orihinal (ang Salita ng Diyos), madali kang maloloko ng peke.
Check your Fruit: Ang "good vibes" ba na nararamdaman mo ay naglalapit sa iyo sa kabanalan (holiness) o inilalayo ka nito sa pagsunod kay Lord?
Huwag tayong maging kampante. Ang "feel good" gospel ay hindi laging "God's Gospel."
Hilingin natin sa Panginoon ang pusong may Discernment, yung kayang makakita sa gitna ng kadiliman, kahit pa nakabalatkayo ito bilang liwanag.
Stay rooted.
Stay grounded.
Soak in the Word. 🙌🔥