
03/08/2025
ANO NANGYARE SA ANAK MO?
Tanong saken sa hospital ng mga nurse at ng doctor. "HINDI KO PO ALAM."
Bago Ako matulog pinatulog ko muna syempre dalawang anak ko. Tinanggalan ko sila ng diaper pareho kase sobrang ma-alinsangan talaga. Hindi sila komportable. Si enteng sa ibabaw ng dibdib ko talaga natutulog. Aalisin ko nalang sya kapag mahinbing na tulog nya bago ko ihiga sa tabi ko. Kapag nagigising sya normal na saken na umiyak sya , gabe gabe kapag gusto ng dumede o kapag naramdaman nya na wala sya sa dibdib ko, o kapag irritable dahil may poopoo at puno wee-wee yung diaper, minsan naman ewan lang basta iiyak nalang sya kapag nagising, lahat ayaw nya. Pare parehong grabeng iyak. Kadalasan pag nagigising sya gumapang sya pabalik sa dibdib ko tapos titigil na. Kinuha ko sya para ibalik sa dibdib ko, naramdaman ko basa sya. Inisip ko talaga Yun. Tumayo Ako, buhat ko sya at binuksan ko yung ilaw, pag tingin ko sa muka nya puro dugo hanggang sa leeg nya. May tumatagas galing sa ulo nya.
Nasa ospital na kame.Hindi ko talaga alam kung anong isasagot ko sa nurse at doctor kung ano nangyare. Meron syang malaking bukol sa ulo. Yung bukol nya meron butas sa gitna at meron din isa pa na parang butas din sa bandang noo nya.Posible daw ba na nahulog sa higaan? Hindi naman kase sa lapag nakalatag yung foam higaan namen. At nasa gilid sila magkapated.Sa pagkakaalam ko meron blotter report sa ospital dahil siguro sa diko masagot kung anong nangyare sa kanya 😣Na focus kame sa ulo nang anak ko Kase dun yung malakas ang tagas ng dugo. Nung tumigil na nilinis na yung mga natuyong dugo sa paligid ng ulo at leeg nya. Habang nag aantay sa skin test para sa ituturok na gamot sa kanya napansin ko na meron pa ding dugo pero di na galing sa ulo. Hindi pa kase nalinisan yung sa bandang braso at hita nya. Pinataggal nila saken yung damet para nalinisan ang buong braso at mga kamay..🫣Nakita ko halos maputol Yung hinliliit na Sarili ni enteng 😓 DAGA. Malaking DAGA Ang may gawa. Tadtad ng kagat ang mga kamay nya.
Madameng nagtanong saken kung hindi ko daw ba naramdaman na may daga.
Dapat daw isang kagat palang alam ko na at masyadong mahimbing daw ang tulog ko.Sabe ko nga po kapag umiyak si enteng kapag gutom , irritable at inaantok pare parehong grabeng iyak nya.Hindi ko talaga alam na kinakagat na sya o tapos na syang kagatin at Hindi kopo naramdaman yung paglapit ng DAGA na yon. Alam ko na nakakadismaya dahil kahit ako dismayado sa sarili ko, sino bang may gusto na makagat ng DAGA Ang baby ng kahit sino.
Ingatan nyo po sana mga anak nyo lalo na yung baby pa kase wala talagang kalaban laban. 😓