12/04/2026
- Isang malungkot na trahedya ang bumalot sa pamilya ng isang Filipina worker sa Kuwait matapos siyang pumanaw, ilang araw bago sana ang kanyang pagbabalik sa Pilipinas. 
Kinilala ang OFW na si Glaiza Rozal Amor, tubong Agusan del Norte. Ayon sa ulat, natagpuan siyang walang malay sa loob ng comfort room o banyo sa kanyang pinagtatrabahuhan. Isang kapwa Pilipinong manggagawa ang unang nakakita sa kanya at agad na humingi ng tulong medikal. 
Agad siyang isinugod sa ospital kung saan natuklasan ng mga doktor ang pagdurugo sa utak. Dahil dito, isinailalim siya sa agarang operasyon sa utak. Sa kabila ng lahat ng pagsisikap ng mga doktor, siya ay idinaklarang brain dead at kalaunan ay pumanaw bandang 3:00 ng madaling araw, oras sa Pilipinas. 
Mas lalong masakit para sa pamilya dahil April 14 na sana ang pagtatapos ng kanyang kontrata, at naghahanda na siyang tuluyang umuwi ng Pilipinas matapos ang kanyang trabaho sa Kuwait. 
| Arab Times News
OFW Heart of Asia