31/10/2025
Alaala ng Santan: Tamis ng Kabataan
'Pag nakikita ko ang mga bulaklak ng santan, bumabalik sa akin ang simpleng kaligayahan ng pagkabata! 🥹
Sino ang makakalimot sa paggawa ng kuwintas at bracelet gamit ang santan habang naglalaro kasama ang mga pinsan o dili kaya ay mga kaibigan? 👧👦 Ang saya-saya lang, 'di ba?
Pero ang pinakamasarap na alaala? 'Yung mga panahon ng pag-sipsip sa matamis na nektar nito! 🤤 Isang simpleng tamis na sapat nang magpasaya sa buong araw namin.
Kaya naman, ang santan ay hindi lang isang bulaklak. Isa itong koleksyon ng masasayang alaala, simbolo ng kasiyahan at tamis ng aming pagiging bata. Salamat sa aming ama n matiyagang nagtanim nito na magpasahanggang sa ngayon ay nasa amin pa ring bakuran na naging bahagi na din ng masayang paglalaro ng mismo kong anak at mga pamangkin sa mga panahon ng kanilang pagiging musmos at panahon ng paglalaro.❤️
Ikaw, anong masasayang alaala mo sa santan? I-share mo naman! 👇