05/08/2025
"Gusto Kong Manalo Hindi Dahil Gusto Ko, Gusto Kong Manalo Dahil Kailangan Ko"
Hindi ko piniling mangarap para lang sa sarili ko. Ngayon, bawat pangarap ko ay para na sa inyo, sa asawa kong katuwang ko sa lahat, at sa mga anak kong nagsisilbing lakas ko araw-araw.
Gusto kong manalo sa buhay pero hindi ito tungkol sa luho o titulo. Hindi ito tungkol sa pagyayabang o pagkilala. Gusto kong manalo dahil kailangan kong itaguyod ang pamilyang umaasa sa akin. Kailangan kong magtagumpay para may maayos tayong kinabukasan.
Kapag napapagod ako, iniisip ko ang mga ngiti ninyo. Kapag nadadapa ako, iniisip ko kung paano ako titingnan ng mga anak ko kung hindi ako babangon. Ayokong maranasan ninyong matulog na kumakalam ang sikmura. Ayokong mamulat kayo sa mundong puro kakulangan. Kaya pinipili kong lumaban, araw-araw.
Gusto kong manalo, hindi dahil gusto ko lang... kundi dahil kailangan kong patunayan sa sarili ko, at sa inyo, na kaya kong maging haligi ng tahanan na kaya kong ibigay ang buhay na nararapat sa pamilyang pinakamamahal ko.
Para sa inyo kung bakit gusto kong manalo.