26/03/2026
PADAYON!!! ✨
Sa bawat pagod, sa bawat puyat, sa bawat pagsubok na akala natin ay hindi na natin kakayanin—padayon. Kahit mabagal ang progreso, kahit ilang beses tayong nadapa, ang mahalaga ay hindi tayo tumitigil.
PAGBATI sa mga mag-aaral mula sa Strand ng ICT – 11 Bill Gates na nakamit ang May Mataas na Karangalan, May Karangalan, Mga Matagumpay, Gawad sa Pag-uugali, at mga Espesyal na Gawad. WE DID IT! 🙌🎉
Ito ay patunay na ang lahat ng sakripisyo, hirap, at pagsisikap ay may bunga. Hindi man naging madali ang ating pinagdaanan, pinili pa rin nating lumaban at magpatuloy.
Padayon sa pangarap.Padayon sa tagumpay.Padayon sa mas maliwanag na kinabukasan.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang tagumpay na ito upang mas lalo pa tayong magsikap at abutin ang mas matataas nating mga pangarap. Hindi ito ang huli—ito ay simula pa lamang ng mas marami pang tagumpay na darating.
Muli, pagbati sa ating lahat! 🥳