09/08/2026
LET’S BE REAL.
Hindi lang bagyo ang problema.
Bukod sa malalakas na bagyo, kailangan din nating pag-usapan ang quarrying, illegal logging, at walang kontrol na pagkakalbo ng ating mga kabundukan.
Tropical country tayo, kaya inevitable na makakaranas tayo ng malalakas na ulan at bagyo. Pero ang ating mga kabundukan at kagubatan sana ang natural protection natin laban sa baha, landslide, at pag-apaw ng mga ilog.
Pero paano na ngayon?
Unti-unting kinakalkal ang mga bundok dahil sa quarrying, at may mga lugar ding nakakalbo dahil sa iba’t ibang development projects, kabilang na ang malalaking solar projects.
Development is important, pero hindi dapat kapalit nito ang kalikasan at seguridad ng mga tao.
At sa huli, sino ang pinaka-apektado?
Tayo. Ang ordinaryong Pilipino.
Tayo ang lumulusong sa baha.
Tayo ang nawawalan ng bahay at kabuhayan.
Tayo ang direktang naaapektuhan kapag umaapaw ang ilog.
At tayo rin ang nagbabayad ng pinakamalaking presyo kapag nasira ang ating natural environment.
Hindi masama ang development. Ang problema ay kapag profit and personal interest come first, while environmental protection comes last.
Ang mga bundok at kagubatan ay hindi lang basta lupa o resources na maaaring pakinabangan.
They are our natural defense against disasters.
Kapag patuloy nating sinisira ang natural protection natin, huwag tayong magtaka kung bakit bawat bagyo ay mas nagiging mapanganib.
Development should protect lives, not put them at greater risk. 🌳🌧️