
04/02/2024
Subrang daming realizations ko nung kabataan ko na subrang hirap namin pero masaya naman.
*Kumain na ang ulam ay asin, tuyo at mantika instant adobo ganurn π
merun pa asin na may kalamansi. tapos mainit na kanin nyosko sarap π
*magsuot ng tsenelas na may alabre or straw pra lang maayos pa ang sirang tsenelas.
*pumasok sa skul na walang baon while ung mga kaklase mo nakikita mong nabili ng makakain pag recess.
*pumasok sa skul na tanging kanin lang baon dahil walang pambili ulam.
*para makakain need mag bayo ng palay pra maging bigas super hirap era namin yarn π
*pag walang palay or bigas mga root crops or saging na saba ang pamalit.
*need namin mamulot ng mga bakal/bote pra pambinta at nang sa ganun eh makabili ng gusto.
* dahil sa bukid kami nakatira, pupunta ng baryo pra makinood pa sa may mga tv noon. naranasan pa namin pag sarhan ng pintuan π€£
*Naranasan din hndi makakain pag walang wala na makain tlga.
*gusto kumain ng spaghetti pero d makakain kasi wala ngang pambili or kht pansit manlang hirap pa din π
*gusto kumain ng salad pero d makakain kasi walang pambili.
at marami pang ibaaaaa π
despites of these realizations,subrang daming aral napulot ko. pero d ipagkakaila na masaya pa din na naranasan ko/namin to dahil natuto kaming tumayo sa sarili naming mga paa.
mahirap pag walang nagabay na mga magulang pero pinili pa din naming tahakin ang maayos na daan. salamat sa Lolo't lola namin na d kami iniwan nung mga oras na wala kaming masandalan.π₯Ή