
28/10/2023
Sa pag-usbong ng bagong yugto ng ating komunidad, narito ang pambato ng pag-asa at pagbabago
Narito ang team BECO
Kami'y handang maglingkod sa inyong lahat nang buong puso at dedikasyon. Ang aming layunin ay maging boses ng kabataan, tagapagtaguyod ng pagkakaisa, at inspirasyon para sa mas progresibong kinabukasan. Kasama ninyo, nais naming itaguyod ang mga proyekto at programa na magdadala ng malasakit, pag-unlad, at kaunlaran sa ating mahal na komunidad. Ang pangunahing layunin namin ay gawin ang lahat sa aming makakaya. Kami ay hindi lamang nag-aambisyon ng pagkakaisa; kami ay tunay na sumisilay sa katotohanan na ang kabutihan ay kumikilos at naghahatid ng inspirasyon.
Ang puso namin ay pusong handang magbigay at pusong handang maglingkod para sa Brgy. P Niogan. Kasama ninyo, nais naming abutin ang mas mataas na layunin para sa mas makulay na kinabukasan
Sa Team Beco, ang "serVIZCOng Totoo"