16/04/2025
KAPAG SUCCESSFUL KANA...
Madalas nating marinig ang advice na "kapag Successful kana marami ng lalapit at magkakandarapa sayo (para maging partner, gf/bf) minsan tama naman sila diba? Kasi pag successful na ang isang tao, may maayos ng trabaho at may pera na madalas talaga marami ang maghahabol. Pero para sa akin ang advice na to ay para lang sa mga taong wala talagang partner noong nagsisimula pa lang sila sa pangarap nila, kasi kung may partner kanang sinuportahan ka simula pa lang, dapat hindi ganyan ang paniniwala mo kasi magiging unfair yan para sa kaniya, dapat kung may partner kang sinuportahan ka noong nagsisimula ka palang sa pangarap mo, dapat ganito...
📍 Kung sinamahan ka niya noong nasa statement of the problem kapalang ng research mo, dapat sa oras na research defended na wag mo siyang kalimutan.
📍Kung di ka niya iniwan noong barya pa lang ang laman ng bulsa mo, sana hindi mo rin siya iwan kapag ATM card na ang hawak mo.
📍Kung kasama mo siya sa mga panahong street foods pa lang ang kaya afford niyo, sana wag mo siyang talikuran kapag kaya mo ng kumain sa fast food at kahit ilang restaurants pa yan.
📍Kung siya ang nasa tabi mo noong mga panahong lugmok at walang naniniwala sayo, sana kapag maayos at maginhawa na, dapat ay siya pa rin ang kakampi mo sa lahat.
📍At higit sa lahat, yong taong sinamahan ka sa lahat ng hirap, pagsubok, at magulong sitwasyon ng buhay mo, wag mong kakalimutan kapag naabot mo na ang tagumpay na inaasam mo.
📍Dahil sa mundong ito, bihira lang ang taong handang makasama ka kahit hindi kapa successful at wala pang napapatunayan, that's what we call, pure intention and love...