11/12/2025
Room 23
Lost Memories Presents
"Room 23"
A Confession Story By Our Avid Reader
Mrs. Lara
Dear Lost Memories,
Gusto ko lang e share ang kwento nang buhay ko. Isang pagkakamali na hanggang ngayon ay di ko parin lubos maisip na mangyayari sa akin. Sa araw pa nang aking kasal.
Itago mo nalang ako sa pangalang Lara di ko tunay na pangalan 25 years old teacher from Southern Leyte. Ang husband ko naman ay si Marco di niya tunay na pangalan 27 Seaman. Ang kanyang kapatid naman ay si Drew hindi niya tunay na pangalan 25 Police.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ‘to…
Pero kailangan kong ilabas. Kailangan kong sabihin dahil subrang bigat na sa loob ko. 8 months na akong Pregnant.
Noong gabi ng kasal namin ni Marco… masaya ang lahat.
Tawanan, sayawan, halakhakan, walang kapalit na pagod o sakit. Subrang saya namin ni Marco kasi matagal na naming pinangarap na makasal. Sa loob nang 7 years na pagsasama namin ay naging masaya kami.
Parehas kami umiinom ni Marco kasi yun lagi ang nagiging bonding namin. Mas okay para sakin ako ang ang ka jamming niya kaysa uuwi siya nang late kasi sa ibang tao naglalasing.
After the wedding at don na sa Venue namin. Maraming pagkain at syempre madami ring alak. Ang venue namin ay isang resort at don narin napili naming maghoneymoon.
Ang napili naming room ay room 32 at ang sa kay drew naman ay room 23. Ang Mga Parents namin ay umuwi sa bahay kasi medyo marami din kami sa pamilya kasama pa ang family ni Marco. Si Marco kasi from Maasin City
Si Drew pala ay single pa that time.
Nagsimula nang mag inuman habang nagkakantahan.
Hindi ko namalayan na napasobra ako.
Si Marco, pati ang kapatid niya—si Drew—sabay-sabay kaming nag-toast.
Hindi ko na maalala kung ilang beses ko narinig ang salitang “Cheers.”
Ang alam ko lang… umiikot na ang paningin ko.
Pagkatapos ng party, nauna na si Marco sa kwarto kasi lasing na lasing na siya.
Ako naman May inaasikaso pa mga bisita.
Hanggang sa maka uwi na lahat. Ang naaalala ko lang ay lasing na lasing na ako at pupunta na ako sa kwarto namin para magpa hinga.
At doon na nagsimula ang lahat.
Akala ko alam ko ang room number.
Akala ko nasa tamang pinto ako.
Pero mali… Dahil siguro umiikot na ang paningin ko ang tingin ko sa room 23 na kwarto ni drew ay 32 kaya pumasok ako. Kumatok ako at meron naman nag bukas.
Pumasok na pala ako sa kuwarto ng kapatid niya. Hanggang don lang ang naaalala ko promise.
Hindi ko alam. Maling kwarto pala napasok ko.
Hindi niya din daw maalala ang nangyari sabi ni Drew kasi lasing na lasing din daw siya.
Pareho kaming lasing… pareho kaming wala sa sarili.
At sa dilim, sa kalasingan, sa pag-aakalang si Marco ang kasama ko…
Nagawa namin ang bagay na hindi dapat mangyari. May nangyari sa aming dalawa.
Hindi ko na alam kung ilang bisis naming ginawa.
Isang pagkakamaling masisira ang buong buhay ko. Ang buhay naming nag asawa.
Nang magising ako kinaumagahan…
Diyos ko.
Parang gumuho ang mundo ko.
Si Drew ang katabi ko.
Hindi ang asawa ko.
Si Drew—ang kapatid niya.
Pareho kaming nagulat. Parehong takot.
Paulit-ulit siyang nagsabi:
“Lara, hindi ko sinasadya… hindi ko alam…”
Pero kahit anong paliwanag… mali pa rin.
Masama pa rin.
At hindi ko alam kung paano haharap kay Marco. Mabilis akung tumayo . Hinanap ko ang mga damit ko para magbihis agad kasi naka hubot hubad ako. Tumakbo agad agad sa room namin baka hinahanap na ako ni Marco.
Sa kabutihang palad ay tulog pa siya kahit na nasa 9 na nang umaga. Nagpahinay hinay nalang ako para matabihan siya. Para kunwaring magkatabi kami natulog kagabi.
Nagising na si Marco. Pero tinago ko.
Wala akung sinabi.
Pinilit kong limutin ang gabing iyon.
Pinilit kong maging asawa… kahit may lihim na bumabagabag sa puso ko.
Hanggang sa dumating ang araw na kinatatakutan ko.
Dalawang buwan pagkatapos ng kasal… hindi ako dinadatnan.
Nagpunta ako sa klinika… mag-isa.
At doon ko narinig ang salitang tumapos sa lahat:
“Congratulations, Mrs. Lara. Positive po.”
Pero hindi iyon ang tunay na pumatay sa akin.
Ang tunay na sumira sa loob ko…
ay ang alam kong hindi si Marco ang ama.
Kasi after a week nakasakay na siya sa barko at walang nangyari samin kasi subrang busy siya sa preparation sa pagsampa.
Sa isang pagkakamali… sa isang maling pinto…
nabuo ang isang buhay na hindi ko alam kung paano ipapaliwanag.
Nung nalaman ko na buntis ako ay tinawagan ko agad si Drew para sabihin sa kanya na buntis ako at ano dapat naming gawin. Nagalit siya sakin at sinabing wag ko daw siya idamay kasi parehas kami lasing at di ginusto ang pangyayari. Ipalaglag ko nalang daw ang bata kay baka madamay relasyon nila magkapatid at ang trabaho niya bilang Police.
Umiyak nalang ako nang umiyak.
hanggang sa kailangan ko nang sabihan si Marco na buntis ako. Nagulat siya kasi ang alam niya walang nangyari sa amin after the wedding.
Pero enexplain ko sa kanya na di ba niya naaalala na may nangyari samin the night after the wedding mukang lasing na lasing ka umuungol ka panga habang nasa ibabaw ako,
yan ang sinabi ko sa kanya at pinaniwalaan naman niya ako at ang saya saya niya kasi first baby sana namin ito.
8 Months napo akong pregnant ngayon
at next week ay uuwi na siya sa pinas.
Please ano kaya ang magandang gagawin ko?
Natatakot ako baka pag nalaman niya itakwil niya ako at ang baby ko. Hindi Ko Po Talaga kaya magpalaglag . Salamat po sa mga magbibigay nang advice.