Numberless driver

Numberless driver have fun...

"ANG BUHAY NG DRIVER"Bakit kaya ang hirap kitain ng pera,Maaga kang gigising kahit ang tulog mo kulang pa,Pag punta mo s...
02/10/2024

"ANG BUHAY NG DRIVER"

Bakit kaya ang hirap kitain ng pera,
Maaga kang gigising kahit ang tulog mo kulang pa,
Pag punta mo sa pila yung pila naku sobrang haba,
Pag Pumila ka nang Alas Tres makakaalis ka lagpas Alas Kwatro na,

O anong hirap pag TRICYCLE DRIVER ka,
Todo kayod tapos yung Katawan namin Pasmado na,
Sala sa Init, Sala sa Lamig minsan Naulan pa,
Pag Minalas kapa sa daan Gulong mo Butas mapa Flat pa,

Sakit ng Likod Ngalay na Kamay at Paa,
Nangingitim na Balat dahil sa init ng Araw Balat namin Sunog na,
Ang Tingin samin Cheap, Di nag Aral tapos Pipitchugin pa,
Wala naman kaming ibang Hangad e kundi ang Paglingkuran at Mahatid kayo kung saan kayo pupunta,

Kadalasan Tingin samin mapang Abuso mukang Pera,
Di nyo ba naisip na may Pamilya din kaming Binubuhay kaya Todo kayod talaga,
Sa Halagang Singkwenta pesos Galit pa,
Ang Dami mo ng narinig kung minsan may kasama pang Mura,

Di nyo ba Alam na yung Kanto ang layo halos Apat na kilometro na,
At Halos isang Oras kami bago Makaalis dahil yung Pila ang Haba talaga,
Pag Nasakay mo pa yung Pasaherong Mabigat dahil Mataba at kung minsan may Barat pa,
Tapos pag Balik namin sa Pilahan wala kaming Sakay tapos sa Gabi ang Dilim dilim kami ay Solo na,

Di Kami tulad nyo na may Benipisyo at Malaki ang Sweldo tapos pag Disyembre may 13th month pay bonus pa,
Umaasa lang kami sa Lakas ng Byahe Malas nga lang pag ang Byahe Matumal talagang tulala,
Kaylangan ng AGAP, SIPAG at TYAGA,
Dahil pag di mo yun Ginawa yung Araw mo Mababale wala,

Saan kayo Nakakita ng Tricycle Driver na Mayaman Sige nga,
Tandaan Wala pang Nananalo sa Lotto nang hindi Tumataya,
Pag Matumal dinadaan nalang namin sa Kwentuhan para lang may Magawa,
O kaya iinom pagka Garahe para medyo makalimot sa Problemang Tinatamasa,

Basta ang Swerte sa PANGINOON nalang namin inaasa,
Muka man kaming Sanggano ayus lang Atlis yung Trabaho namin Marangal at di Masama,
Sa Lahat ng Pasahero namin SALAMAT

Ctto..

18/05/2024

Let sing 🧖 Love me with all of your heart

Address

Sitio San Fermin
Bauan
4201

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Numberless driver posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share