06/08/2025
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | ๐๐ข๐๐๐๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐๐ฉ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ง๐ข๐ฃ ๐ฃ๐จ๐๐๐๐ฆ๐๐๐ก๐
Sa gitna ng iniwang pinsala ni Bagyong Emong, agad na kumilos ang mga kabataan bilang tugon sa panawagan para sa kalinisan at kaligtasan ng kapaligiran. Ang Ang Tulay, kasama ang ibaโt ibang sektor ng paaralan, ay lumahok sa isinagawang LINKod Danggayan: Simultaneous Clean-Up Mobilization noong Agosto 1, 2025 sa mga baybaying bahagi ng Barangay Taberna at Baccuit Sur, Bauang, La Union.
Matapos ang pag-ulan, pagbaha, at pagkawala ng kuryente sa ilang bahagi ng bayan, lalo na sa paligid ng paaralan, naging mahalaga ang sama-samang pagkilos upang unti-unting makabangon ang komunidad.
Sa temang โSigaw ng Kalikasan, Tunggon ng Bayan,โ layunin ng aktibidad na hindi lamang linisin ang kapaligiran, kundi iparamdam na ang kabataan ay may boses, may malasakit, at may kakayahang makiisa sa pagtugon sa mga suliraning pangkalikasan.
Sa simpleng hakbang, may dalang mensahe:
๐ โPagkilos, hindi lamang pakikiramay.โ
Mula sa mga mamamahayag na nagsulat at ngayon ay lumalakad sa putikan, hanggang sa mga lider-estudyanteng hindi nagdalawang-isip tumulong ang araw na iyon ay naging patunay na ang pagbabalita ay higit pa sa pananalita. Ito ay pagsama sa galaw ng bayan. โ๐ป๐ฟ
๐จ Bahagi ito ng Collaboration Desktop Publishing Output โ isang sama-samang likha ng mga batang mamamahayag, mananaliksik, tagadisenyo, at tagaguhit. Ipinapakita rito ang pagkakaisa sa panulat, kulay, at porma ng pagbabahagi ng balita.
๐ Tingnan ang Buong Gawa rito:
https://online.fliphtml5.com/lvbdp/oiwi/
Balita : Jamaica Cielo C. Piza
Agham : Michaela G. Patacsil
Editorial: Princess Juliena R. Casero
Taga guhit: Olivia J. Halog
Layout artist: Mary Azrielle Eunice R. Javillionar
โ๐ป: Rain J. Generoso