20/05/2026
๏ผคฮ๏ผญฮ๏ผง| #๐๐ธ๐ผ๐๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฌ๐ผ๐๐๐ต ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐น๐ผ๐ฐ๐ผ๐ ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐ผ๐ป, ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ต๐๐ธ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฎ๐ป๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฃ๐
CITY OF SAN FERNANDO โ Nakiisa ang Sangbayan PH sa ginanap na Regional Youth Suffrage Education Caravan nitong Mayo 19, 2026, sa National Educators Academy of the Philippines (NEAP)-Region 1. Ang aktibidad ay bahagi ng kampanya para sa mas mulat, mapanuri, at makataong pagboto ng kabataan.
Pinangunahan ng Commission on Human Rights (CHR) Region I at National Youth Commission (NYC) ang programa na may temang โ๐๐ข๐บ ๐๐ข๐ณ๐ข๐ฑ๐ข๐ต๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฃ๐ข๐ต๐ข๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ฏ๐ข๐ฃ๐ถ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ฏ.โ Binigyang-diin at ipinakilala nina Regional HR Director Atty. Harold D. Kub-aron at Justice Monina Arevalo Zenarosa (Ret.), CHR Focal Commissioner on Youth Suffrage, ang nasabing caravan at ang pagtuon nito sa kahalagahan ng karapatan sa pagboto at responsableng pakikilahok ng kabataan sa halalan.
Nakibahagi bilang mga delegado ng sina Arvie Drie Andrada, Bhenzane Kurvy Supsup, Jobrielle Zsaen Garcia, Chelsea Guerrero, at Phillip Jerome Posas sa mga plenaryo hinggil sa karapatang pantao, pamumuno, at electoral awareness.
Nagsilbing forum discussants sina Atty. Mhelanie C. William na tumuon sa introduksyon sa pambansa at pandaigdigang konteksto ng Human Rights; Legis Almazar na nagbahagi ng mga katangian ng isang Youth Leader sa larangan ng karapatang pantao; Dr. Sheridan Athena Y. Gajete na tinalakay ang gampanin ng kabataan sa paghubog ng polisiya at programang pangkomunidad; at Atty. Reddy C. Balarbar na nagpaliwanag sa makabuluhang responsibilidad ng kabataan sa Electoral Process sa darating na .
Sa pamamagitan ng , ipinamumulat sa mga kabataan ang kahalagahan ng kanilang boses, karapatan, at responsibilidad upang makapili ng mga lider ng bayan na may tunay na prinsipyo, malasakit, at paninindigan para sa isang tapat at progresibong kinabukasan na higit sa pansariling interes.
โ๏ธ ๐๐ฉ๐ฆ๐ฏ๐ป๐ข๐ฏ๐ฆ ๐๐ถ๐ณ๐ท๐บ ๐๐ถ๐ฑ๐ด๐ถ๐ฑ
๐ธ ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ญ๐ช๐ฑ ๐๐ฆ๐ณ๐ฐ๐ฎ๐ฆ ๐๐ฐ๐ด๐ข๐ด