05/10/2025
Ngayong araw ng mga g**o 📚✒️, nais naming i-alay itong tula para sa mga tagapagturo ng UPRHS, ang aming pangalawang tahanan 🏠 at minumutyang suporta 💗 sa aming buhay-estudyante.
Tutuldukan ang sesyon sa pagpupunas ng pisara,
Sa hiling na ang itinuro’y manatili’t ‘di mabura.
Lalabas sa silid, bubuntong-hininga.
Hindi pa pwedeng simulan ang pahinga.
Sa pag-uwi, papel ang hapunan.
Magche-check, magsusulat, mag-iisip ng agahan.
Bago humiga’y pagsasabayin ang bahay at paaralan,
Saka ibabagsak ang bigat, bitbit uli kinabukasan.
Hindi nagtatapos ang kwento sa eskwelahan.
May mga g**ong lumalagpas, gumagawa ng daan
Tinuturo ang mga kwentong humihingi ng katarungan,
At sa pagsusulat, iginuguhit ang anyo ng bayan.
Silang tumitindig para sa pagbabago,
Kahit paulit-ulit sinisikil ng estado.
Tinatakot, pinatatahimik, pinipilit sumunod sa panuto,
Mas lalo lamang pinipiling katotohanan ang ituro.
Ang ating mga g**o’y higit sa tagapagturo,
Katarungan ang ipinaglalaban, sa mundong nanonood
At kahit muli’t muling lunurin ng pagod,
Sa bayan pa rin, tapat na naglilingkod.
Maligayang Araw ng mga G**o rin kay Sir Jason Pozon, ang minamahal na adviser ng UPRHS Likha ! 🍎💖
**o