21/09/2025
Hinahamon ka ng taong bayan,pangulong Bongbong Marcos — ipakita mong karapat-dapat ka sa tiwala na ibinigay ng sambayanang Pilipino.
Tularan o higitan mo pa si dating mahal na Pangulong Rodrigo Duterte na buong tapang na lumaban sa mga oligarkong hindi nagbabayad ng tamang buwis, at pinanagot ang mga magnanakaw na matataas na politiko o opisyal ng gobyerno, gaano man sila makapangyarihan.
Hindi siya natakot ang dating Pangulong Rodrigo Duterte, kahit alam niyang maaring babalikan siya ng mga ito kapag wala na sya sa pwesto bilang pangulo ng Pilipinas. Ipinaglaban niya ang bayan, isinakripisyo ang sarili para sa kinabukasan ng Pilipinas.
Presidente Bongbong Marcos ngayon na ang pagkakataon mo upang magkaroon ng saysay ang iyong pagiging pangulo ng Pilipinas, panindigan mo ang tiwala na binigay ng taumbayan. 36 years ang hinintay ng pamilya mo upang maibalik at malinis ang pangalan ng Marcos, wag mo sanang sayangin! Lumaban ka para sa katotohanan, para sa hustisya, para sa taong bayan.
Gawin mong makabuluhan ang iyong pagiging Pangulo ng Pilipinas, dahil ang mga magagawa mo ay magiging parte history ng Pilipinas! Salamat mahal naming pangulong Bongbong Marcos!