
30/08/2025
PATUNAY NA MAHUSAY ANG KABATAAN!
Matapos ang budget hearing, hindi tumigil ang SK
Council sa paglikha ng mga proyekto at programa para sa ating barangay. Sa kanilang pagtutulungan kasama ng iba pang Barangay Kagawad, marami nang nagawa at patuloy pang nagtatagumpay.
Ang dedikasyon sa paglilingkod sa barangay ay tunay na nakapagbibigay inspirasyon sa mga kabataan at sa ating pinakamamahal na Barangay Bical Norte.
Mula sa mga programa para sa kabataan, hanggang sa mga proyekto para sa edukasyon at kapaligiran, tulad ng mga clean-up drive at distribusyon ng school supplies, at hindi mawawala ang sports, hanggang sa mga pa-liga, at tumawid hanggang sa nagkaroon ng Parangal 2025, ang SK Council ay tunay na nagpakita ng husay sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga kabataan.
Ang SK Council ay hindi lamang nagbibigay ng mga serbisyo at programa, kundi pati na rin ng pag-asa at inspirasyon sa mga kabataan na maging bahagi ng pagbabago at pag-unlad ng barangay.
Ito ay nagpapatunay na ang kabataan ay may mahalagang papel sa pagbuo ng isang mas magandang kinabukasan para sa lahat.
Serbisyong Kabataan, para sa Kabataan.
Mula sa Kabataan, para sa Kabataan!