26/08/2025
Tambolista
Di tulad ng mga karaniwang tambol, ang kanya’y yari sa kawayan at lata. Sa bawat hampas ng kanyang kamay, sumasabay ang musika ng kabataan sa pista--musika na sa kanya’y hindi lamang tugtugin, kundi mundo niyang sariling nililikha.
Hindi ko maipaliwanag ang saya habang pinagmamasdan ang galing niya sa pagtambol gamit lamang ang mga simpleng bagay na madalas ay binabalewala natin. Ngunit sa kanyang talento, nag-uumapaw ang inspirasyon.
Kung sana’y talento agad ang batayan ng oportunidad, marahil mas marami ang aangat mula sa mapait na kapalaran. Hindi lang sana yung kilala o malapit ang kinikilala, kundi bawat batang may pangarap at galing na naghihintay lamang mapansin.
Agad kong hinanap ang barya sa aking bulsa at ibinigay ko sa kanya, kasabay ng katagang: “God bless you, Balong.”
At tulad ng tugtugin ng tambol, sana’y dumating din ang panahon na sumakto ang kanyang buhay sa tamang rhythm ng maayos na buhay.