07/10/2025
βMagandang araw admin, nawa'y maipost mo ang karanasan ko sa buhay. May mga binago ako sa kwento para kahit papaano maitago pa ang ibang impormasyon.
β
β36 na ako ngayon naninirahan dito sa aming probinsya sa Romblon, isang simpleng lalaki na wala ng hinangad kung hindi ang mapayapang buhay. Hindi ko alam kung papaano ito sisimulan, ngunit sa nandito na ituloy ko na.
β
βTaong 2020, kasagsagan ng pandemya isa ako sa taong nawalan ng pag-asa, akala ko noon isa na ako sa kakabilang buhay pero sa awa ng itaas ako'y nasa kasalukuyan pa. Nagtatrabaho ako noon sa isang kompanya sa Quezon City, at ayun dahil kay Covid-19 nagwork from home setup kami.
β
βAko'y natutuwang nanonood sa mga videos ng mga content creators at vloggers. Halos lahat inaabangan ko, walang araw na pumalya ako. Naalala ko noon mahilig din akong magcomment sa mga posts nila, dahil dito nakilala ko ang isang babae. βComment dito, comment doon ako at minsan biglang kapwa mo commenter nagcocomment na rin sa comment mo. Hanggang isang araw may biglang nagchat sa akin. Nagpakilala na follower din siya ng isang vlogger na sobrang active ko sa pagcomment. Syempre nagstalk agad muna ako, nakita kong babae yung profile picture di nagreply ako. Sabi ko ganun ba? pasensya na kung maingay ako sa comment section. Sagot niya okay nga daw yun, sabay tanong kung pwede daw ba kaming maging online friend. Sinagot ko namang oo kasi boring ang 2020 sa totoo lang.
β
βMarami naman akong nakakachat na mga tao noon na hindi ko talaga kilala ng personal pero itong babaeng ito medyo iniisip ko kung babae nga ba talaga kasi nga madami ng kayang pekehin ang picture sa fb. Araw-araw kaming nagchachat at hanggang sinubukan kong tanungin kung pwedeng magvideo call kami at pumayag naman. Nagulat ako talagang babae siya, e lalaki tayo lalo akong nagkaroon ng interest sa kanya.
β
βQuick background lang sa akin, may naging 2 na ex na ako. Noong 2020 masayang single na ako at wala pa sa pag-iisip ko ang maghanap ng karelasyon ulit. Pangalanan nating Gem yung kachat ko na yun. Ayun habang tumatagal nakikilala na namin ang isa't isa base sa mga kwentuhan namin. Hindi ko alam o masyadong honest o prangka itong si Gem, how about try daw naming maging mag-online jowa, wala naman daw mawawala sa amin. Akala ko nagbibiro siya kaya sinagot kong di sige.
β
βMasyadong mahigpit pa noon dahil quarantine ang tema ni Covid-19, pero itong si Gem gusto ng magkita kami ng personal for about 3 months na magkachat na mag-2 months ng magjowa online. Pinaliwanag kong parehas lang kaming mapapahamak sa gusto niyang mangyare. Nagtatampo siya kasi daw hindi ako marunong mag effort. Grabe si Gem, ayun lang masasabi ko.
β
βParang bumalik ako sa edad kong nasa 20's na away-bati kami ni Gem. Susuyuin at subukang tawagan paulit ulit. Sa totoo niyan nahuhulog na din ako sa kanya, kaya ganyan na akong umasta. Pasensiya na nasa kanya na lahat ang kwento ko, nakakapagtrabaho pa naman ako ng maayos, work from home pa rin kami hanggang 2021. Taong 2022, kami pa rin ni Gem at magkikita na kami, wag ng banggitin tagasaan si Gem at may kalayuan mula sa akin.
β
βAyun nagkita na kami at kahit alam ko na di-filter yung mukha niya kapag nagvivideo call kami talagang maganda siya sa personal. Napag-usapan naming mamili na lang ng lulutuin at doon kami sa apartment niya didiretso. Syempre alam niyo na ang susunod na kabanata, ayun may nangyare sa amin at parang ako ang nahiya kasi unang pagkikita palang namin nun. Sabi niya normal na daw ang mga ganung pangyayare. Si Gem pala ay mas matanda sa aking isang taon kaya okay lang atleast mas matured mag-isip sa akin.
β
βGusto ni Gem na sa lahat ng day off ko doon ako sa kanya, gusto ko ring magpahinga pero yun ang hindi niya maintindihan. Inaaway niya ako dahil hindi ko daw siya mapuntahan sa mga araw na kailangan niya ako. Yung nakikita ko na ang mga red flags sa kanya pero pikit mata ako kasi mahal ko siya. Minsan mapapatanong na lang ako gusto niyang magvideo s*x kami, normal pa ba yun? Sabi ko napaka-improper way nun at ayun lalo siyang nagagalit sa akin. Parang hindi daw ako lalaki sabi niya.
β
βPinalagpas ko lahat pero wala ang mga ibang babae talaga tuyuin at isa na siya doon. Minsan inaaya niyang maglive-in na kami kaso ayaw ko kasi yung huling ex ko live-in kami noon pero hindi maganda ang kinahantungan kaya sabi ko not the right time. Sabi pa niya makakatipid kami sa mga bayarin, pero nagsabi na akong mas okay na binibisita ko siya. At ayun nagalit siya sa akin na kinakahiya ko daw siya ganun hanggang tiniis niya akong hindi kontakin ng 2 linggo.
β
βDahil sa mahal ko siya at hindi na rin matiis pinuntahan ko siya sa apartment niya, surprise na may dalang bulaklak at paborito niyang sushi. Pero pagdating ko doon wala siya, nakapadlock. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot. Naghintay ako ng mga ilang oras at talagang wala siya. Ewan ko ba naman at paalis na ako ay nakita ko yung land lady ng apartment niya, kilala ako sa mukha kasi minsan βnakikita niya kaming magkasama ni Gem. Tinawag niya ako yung literal na tinawag gamit ang k**ay. Sabi niya sa akin, ayaw daw niyang makialam at hindi naman daw niya kami ka ano-ano ni Gem kaso si Gem sinungaling daw. Alam niyang may asawa na si Gem kasi noong kakalipat ni Gem sa apartment niya mismong yung asawa niya ang nag abot ng advance at deposit at nasabi pa ng lalaki na mag2 years palang silang kasal noon. Dahil nga sa pandemya hindi makauwi uwi sa apartment nila yung asawa niya dahil man in uniform daw ito. Sabi pa sa akin, minsan daw may ibang lalaki siyang kasama na binibisita siya bago pa ako pumupunta-punta sa apartment niya. Biglang wait, lalakero si Gem? Kabet ako?
β
βDahil sa nalaman ko nagtry akong magstalk sa fb ni Gem. Nakita kong nagawa ang fb na ginagamit niya 2019. Posts sa fb niya ay isa o dalawang post bawat buwan. Sinubukan kong hanapin ang pangalan niya sa fb pero wala akong makita. 3 days after ng galing ako doon kay Gem, nagchat siya at sinabi niyang nagkasakit daw mama niya kaya biglaan ang uwi niya at hindi na gaanong nakaonline ag nakapagpaalam sa akin. Okay sabi ko, emergency yan. Kahit sa utak ko hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa rason niya.
β
βNagleave ako sa trabaho ko, kailangan ko siyang puntahan sa hindi araw ng day off ko at kailangan kong malaman ang totoo. Masaya na gulat ang mukha ni Gem ng buksan niya ang pinto at ako ang nakita niya. Sabi niya ano daw ang meron, sagot ko to surprise you kasi wala ka dito noong last na pumunta ako. Alam niyo yung aligaga siya, biglang nag aaya siyang lumabas kami. At ako bilang may alam na, sabi ko dito na lang magpadeliver na lang tayo ng pagkain kaso pinipilit niyang mas maganda raw na sa labas na lang kami kumain. Di sabi ko okay, hinintay ko siyang matapos maligo. May mga pagkakataon talaga na sa hindi mo inaasahan makikita mo ang mga pruweba. May salamin kasi siyang malaki at may drawers ito, mula noong pumunta ako sa apartment ni Gem never akong nakialam sa mga gamit niya. Binuksan ko ito, medyo iba an ang pakiramdam ko tinignan ko isa-isa, may dalawang box na maliliit. Binuksan ko yung isa, gintong mga hikaw. Binuksan ko ulit yung isa, singsing, hindi lang siya basta basta singsing. May naka-engrave sa singsing na date at pangalan nila. Halos gusto ko ng katukin si Gem sa cr para tanungin siya pero kumalma ako.
β
βMay gagawin ako para mapaamin ko siya. Una sa lahat, alam kong mahal yung singsing at wala akong balak nakawin ito. Kinuha ko ito at tinago, natuloy ang paglabas namin. Masaya kunyare kahit ang sakit sa puso ng nalaman ko. Ayun hinatid ko siya pauwi sa apartment niya, parang normal lang ang lahat. Napapaisip ako kung ako na ba mismo magsasabi sa kanya na alam ko na o ano? at ito na yung resulta ng pagkuha ko sa singsing niya. Madaling araw yun, biglang tumawag siya at nagulat agad ako sa tanong niya kung may nakita daw ba akong singsing kasi friendship ring daw nila ng bestfriend niya yun. Talaga ba, pangalan niya at pangalan ng lalaki? Gusto kong manggaling sa kanya ang katotohanan, kaya sabi ko wala akong nakita at nakahiga lang ako sa k**a niya noon.
β
βNapaka-importante daw kasi nung singsing na yun. Nagsuggest ako, kung hindi mo mahanap samahan kitang magpagawa ng kaparehas nun. Sagot niya hindi daw pwedeng palitan yun ng basta basta. Nagagalit na siya halos maiyak na, ako na mahal pa siya ginawa ko ang nararapat. Sobrang kabog ng dibdib ko bago ko siya evideo call. At ito na nga ang nangyare, hawak ko ang singsing at tinanong sa kanya: Ito ba yung friendship ring na hinahanap mo? at bigla siyang napatigil sabay sabing paanong nasa akin daw? Ang sagot ko sa kanya ay yung date at pangalan na nasa singsing, sabay sabing sobrang espesyal naman ng friendship ring na ito at para ng wedding ring.
β
βPinatay ni Gem ang video call at chinat akong ibalik daw sa kanya yun. Pupunta daw siya sa akin para kunin ang singsing. Halos maiyak ako kasi parang wala pa siyang balak umamin. Halos hindi siya nagsasalita ng dumating siya, kaya ako na ang nagsalita. Sino si Jacob(alyas name lang na nasa singsing)? Ang importante naman niya sayo, halata na ang garalgal sa boses ko. At doon na umiyak si Gem, sorry kasi nagsinungaling ako sayo. Kasal na ako at lahat ng mga naging bf ko hiniwalayan ko na, ikaw na lang ang hindi ko kayang hiwalayan. What? marami kami? Sorry sorry sorry na lang ang nasabi ni Gem. Binigay ko na yung singsing at umalis na siya. Nakakaspeechless ng sobra, parang sasabog ako sa lahat ng nalaman ko.
β
βIlang araw na hindi ko sinasagot tawag ni Gem, yung isa akong parte ng kasalanan niya na hindi ko alam. Nabulag ako sa lahat, mahal na mahal ko siya pero kailangan ko na siyang hiwalayan baka makasuhan pa ako ng mister niya. Wala kaming official break up dahil nakikipaghiwalay na ako ayaw pa niya. Para makamove on at makalimot sa nangyare nagresign na ako sa work ko at nagdesisyon na bumalik na sa Romblon. Sa kunting ipon ko, nagsimula ako sa small business ko na hanggang ngayon ay buhay pa. Its been 2 years at lumalaban pa rin. Kung sa hinaharap mabasa mo ito Gem, sobrang minahal kita pero okay na ako, magbago ka na.
Hindi ako gwapo, sakto lang pero may bukal na puso...
Kaloy ng Romblon