Scam Hurts and Stories

Scam Hurts and Stories Your story counts

Think twice before you engage into it. Invest what you can afford to lose.
27/09/2025

Think twice before you engage into it. Invest what you can afford to lose.



22/09/2025

Ang Malaki ay nagsisimula sa malimit. Never never ever dip your hands with gambling or stop before it's too late.

14/09/2025

Love of money is the root of evil!

13/09/2025

Ano kaya feeling Ng may iniscam?

13/09/2025

Ang scam ay may iba't iBang Mukha:
Scam sa PAG-IBIG
Scam sa Pera
At maraminpang iba! Ano Ang sa'yo?

12/09/2025

Ako’y isang simpleng ama na araw-araw nagsusumikap para mapakain ang aking pamilya at mapag-aral ang aking mga anak. Bawat pisong kinikita ko ay bunga ng pawis at pagod, ngunit hindi ako nagrereklamo dahil ang pinakamalaking pangarap ko ay mabigyan ng mas maayos na buhay ang aking asawa at mga anak. Sa kaibuturan ng puso ko, ninanais ko ang araw na hindi na nila mararanasan ang hirap ng laging kapos sa pera.

Isang gabi, habang nagpapahinga mula sa trabaho, nag-iiskrol ako sa aking facebook at nakita ko ang isang online investment company. Double your money in 30 days,,,sabi don. Ang kanilang pangako ay napakatamis—mabilis na tubo at siguradong kita. Ang mga larawan ng masayang pamilya, bagong bahay, at mga batang nakapagtapos ay tumagos sa aking puso at nagbigay ng matinding pag-asa. Sabi ko sa sarili ko, “Baka ito na ang pagkakataon na hinihintay ko.” Kaya pinatulan ko. Nanginginig ang mga kamay ko nang ipuhunan ko halos lahat ng aking ipon, pati na ang perang nakalaan para sa matrikula ng aking anak na babae, sa pag-asang ito na ang susi sa aming magandang kinabukasan.

Sa una, mukhang totoo ang lahat. Lumalaki ang balanse sa aking account, at ang mga “ahente” ay paulit-ulit na nagbibigay ng katiyakan na malapit na ang tagumpay. Nasabi ko pa sa aking asawa na baka matatapos na rin ang aming paghihirap. Yong kinita ko sa una, winidraw ko ulit sa bangko at inilagay lahat sa investment sa pag-aakalang mas mapadali ang pag-asenso. Ngunit biglang naglaho ang lahat. Hindi na gumagana ang app, nawala ang website, at hindi na sumasagot ang mga ahente. Sa isang iglap, nawala ang mga taong-taon kong pinagpaguran. Nanlumo ako at galit na galit pero sino ba ang hahabulin ko? Saan ko sila hahabulin? Napaupo lng ako sa isang tabi na parang nablangko ang isip. Nawala ang sigla at ang layo ng tingin. Gusto kong lamunin na ako ng lupa ng oras na yon. Hanggang sa naalimpungatan ako nong parang may dumaan sa aking harapan na isang anino ng batang nagmamakaawa. Naisip ko ang aking mga anak. Kailangan kong magpakatatag para sa kanila. Kaya nagpasya na akong umuwi.

Kinagabihan, pinilit kong ngumiti habang kumakain kami ng sabay-sabay, habang ang mga anak ko ay masayang nagtatawanan. Ngunit sa loob-loob ko, ako’y wasak na. Napansin ng aking asawa ang mga luhang pilit kong ikinukubli at ang panginginig ng aking mga kamay habang hawak ang aking kutsara. Pakiramdam ko ay nabigo ko sila—hindi lamang dahil nawala ang pera, kundi dahil hinayaan kong bulagin ako ng maling pag-asa. Sa unang pagkakataon, dama ko na para bang wala akong magawa upang ipagtanggol ang pinakamahal kong pamilya.

Ngunit hindi ako mananahimik. Ibinabahagi ko ang aking kwento dahil ayaw kong maranasan pa ng iba ang sakit na pinagdaanan ko. Ang mga scammer ay nanlilinlang gamit ang ating mga pangarap, ang ating pangangailangan, at ang ating pagmamahal sa ating pamilya. Maaaring wala na ang aking pera, ngunit kung ang aking tinig ay makakapagbabala at makapagliligtas kahit isang tao lamang, hindi masasayang ang lahat ng aking pinagdaanan.

12/09/2025

Address

Mountain Province
Besao

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Scam Hurts and Stories posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share