09/09/2025
EX NG ASAWA KONG FEELING UNFORGETTABLE SA SIDE NG ASAWA KO AT SA ASAWA KO MISMO.
Naghihimutok sa asawa ko yung Ex nya kasi galit na galit dahil sinisiraan ko raw sya sa side ng asawa ko at gumagawa daw ako ng fake identity nya. Suspect nya ako gumawa ng dummy account nya😅 Pero sya naman tong naninira saken sa totoo lang, palibhasa super close sila ng hipag ko Kaya updated sya sa buhay namin mag asawa kasi may taga report sakanya hahaha magkukwento at magsusumbong nalang sa asawa ko mali-mali pa.
Feeling unforgettable masyado ex ng asawa ko, masyado feeling entitle mukhang may gusto atang patunayan sa side ng asawa ko lalo na sa asawa ko. Nyahahahahaha
Skl. San ka makakita ex na sila noon ng asawa ko, nag myday ako picture namin ng asawa ko. That time ligawan days palang kami non. Sa pagkatatanda ko hinide ko yung myday ko sa ex ng asawa ko kasi ayaw ko makita nya baka magselos 😆 at di nga ko nagkamali kasi after nya makita myday ko iniscreen shot nya sabay pm sa asawa ko sabi nya "congrats, nakahanap ka ng sakit ng ulo". Bwahahaha sarap rumebat sa Totoo lang at sabihing "WOW COMING FROM YOU GHORL? HAHAHAHA kaso sabi ng asawa ko wag ko na raw patulan. Kaya reply sakanya ng asawa ko noon," okay lang ako naman ang makikisama".
Partida ex nalang sila non umeebas pa, samantalang sya naman tong nagloko sa relasyon nila, CHEATER yern 😂🤠tapos ako pa sasabihan ng sakit daw ng ulo pinasok ng asawa ako. Nyahahaha.
Hanggang kinasal kami linyahan pa rin ng ex ng asawa ko, nitong huli chat nya sa asawa ko. Kaya pala sila nag uusap ng asawa ko dahil sa may gumagaya raw ng identity nya at ako ang suspect nya hahaha avamatindee BINTANGERA ampeg! ðŸ¤So ito na nga sabi nya sa chat ng asawa ko. "buti nakakatiis ka sa ugaling ng babae na yan, sabi sayo sakit ng ulo yan e." hahahaha San po Kaya kumukuha ng kapal ng mukha ex ng asawa ko? Sa lahat ng nagloko grabe mag advice sa asawa ko Kala mo tlaga MATINO HAHAHAHA.
Ito pa ang malala sabihin nya pa sa chat na "naanakan na daw ako ng ilang lalaki dahil sa kaharutan ko?" well totoo naman dalawang lalaki lang dumaan sa buhay ko pangatlo ang asawa ko ngayon. Pero wala akong naging anak sa kanila dahil isa lang naging anak ko sa asawa ko lang. Pero sasabihing madami na daw ako inanak. Hahaha lakas gumawa ng kwento sasagap nalang tsismis Mali-mali pa basta may masabi nalang hahaha, kahit magpatest kami baka sya pa madetect na marami ng nakaank oops🤠kung sabagay until now dipa nabubuntis ex ng asawa ko kundi nagpapalaglag baka siguro baog talaga or marunong lang magdala, kasi siguro ayaw nya pa mag anak 😅🤔 kasi mga naging karelasyon nya umaabot ng taon at nakaka live in nya. Pero ni isa wala syang inanak.
Grabe ang lala lang ng pag kaka sumbong nya sa asawa ko bwahahaha, so sino Kaya yung muntikang makulong dahil sa kalandian nya kumabet sa may asawa at pamilyado na dun pa sa kasal hahaha, sino Kaya yung inrelationship pa nakikipag flirt na buti nalang mabait asawa ko paulit-ulit syang pinapatawad kaso nitong huli wala ee buko na sya, nahuli sya nakipag check in 😆 HULE PERO DI KULONG😂 daming reserba hahaha.
Ito pinakamatindee sa lahat kung di daw nya iniwan ex nya, di ko raw sana asawa ngayon. Ay wehhh tlaga ba wag kang mag alala kasi laking pasasalamat ng asawa ko at iniwan mo sya. Sana lang pag mabasa mo to alam ko member ka din dito kasi stalker ka, 2025 NA MAG MOVE ON KANA pagpokusan mo nalang jowa mong gurang.
WAG KA MAG ALALA KASI NEVER AKO MAKIKIPAGKUMPETENSYA SAYO. LALO NA SA SIDE NG ASAWA KO, ALAM KONG DI NILA AKO GUSTO KAYA NGA KINUKUMPARA NILA AKO SAYO, PERO WALA NAMAN AKONG PAKIELAM KASI ASAWA KO MAS NAKAKAKILA SAKEN KUNG SINO AT ANO ANG PAGKATAO KO, NEVER AKO MAGMAMALINIS KUNG AYAW NILA SAKEN, MAS LALONG AYOKO SA KANILA. BASTA AKO NAGPAPAKATOTOO Lang! 😊
At ikaw bilang ex na, isa lang masasabi ko sayo wag kang feeling unforgettable at entitle hahahaha sa side ng asawa ko kung satingin mo the best ka, edi ikaw na ghorl. Basta wag ka lang manira ahh? Wag mag buhat ng sariling bangko Ooppps🤠bago gumawa ng kwento ng kasiraan ko make sure malinis na malinis ka ha. Baka kasi di alam ng mga tao sa paligid mo mas masahol kapa sa sinisiraan mo.
-Ate mo Jhie Anne 2025