05/08/2026
๐๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ
Tuwing Agosto, dumarating ang panahong kilala at minamahal ng bawat Pilipino. Ito ang buwan kung kailan ipinagdiriwang natin ang ating kultura at tradisyonโang Buwan ng Wika. Orihinal na itinakda bilang isang linggong pagdiriwang ni Pangulong Sergio Osmeรฑa at pinalawig naman sa isang buong buwan ni Pangulong Fidel V. Ramos noong 1997, layunin ng Buwan ng Wika na bigyang-pugay ang pambansang wika at gunitain ang buwan ng kapanganakan ni Manuel L. Quezon, ang "Ama ng Wikang Pambansa." Ngunit ano nga ba ang tunay na kahulugan sa likod ng buwang ito para sa wikang Filipino?
Ang Buwan ng Wika ay isang panawagan upang ipagdiwang at pangalagaan ang iba't ibang pamana ng wika sa bansa. Mayroong 182 na katutubong wika sa Pilipinas, kung saan mahigit 170 ang nananatiling buhay at ginagamitโtulad ng Ilokano at Bikolano sa hilaga, at Cebuano at Tausug sa mga rehiyon ng Visayas at Mindanao. Ang bawat wikang ito ay nagtataglay ng bahagi ng kasaysayan at tradisyong mahalaga at hindi mapapalitan. May natatanging halaga ang sariling wika at ang kakayahan nitong ipahayag nang perpekto ang saya at lungkot ng isang komunidadโmga damdaming hindi madaling maiparating sa ibang paraan.
Ang mayamang pagkakakilanlan ng Pilipinas ay hindi lamang binubuo ng mga tanyag na dalampasigan, pagkain, at kultura. Ang mga rehiyonal na wika ng bansa ay sumisimbolo sa isang bagay na higit pa roon. Kung hindi natin pangangalagaan ang mga ito, mawawala ang pagkakaiba-iba ng mga rehiyon at ang kani-kanilang natatanging kasaysayan. Ang pagkakaroon ng wika ay nangangahulugan ng paghawak sa mga kuwento ng nakaraan, mga pagsubok, at dangal ng isang bayanโmga bagay na nagsasama-sama upang ipakita sa mundo ang kanilang paninindigan. Sa panahong marami ang nahuhumaling sa mga uso sa internet, madaling isipin na ang buwang ito ay isa lamang hindi kinakailangang paggunita.
Sa katotohanan, nasasaksihan sa Pilipinas ang pag-usbong ng kultura sa internet kung saan maraming kabataan ang humahalo ng iba't ibang wika, at ang paggamit ng slang o balbal na salita ay nagiging kilala sa mga nakababatang henerasyon. Pinatutunayan nito nang walang duda na ang mga Pilipino ay mas bukas na ngayon sa ideya ng globalisasyon kaysa noon. Gayunpaman, kailangang itanong: anong kapalit ang handang bayaran ng Pilipinas para sa globalisasyon nito? Ang totoo, bagaman maaaring humahalo na ang mga wika sa Pilipinas dahil sa pagpasok ng mga dayuhang kultura, kailangan pa ring panghawakan ng mga mamamayan ang kanilang mga katutubong wika.
Sa huli, nagsisilbing patuloy na paalala ang Buwan ng Wika na mahalaga ang pagiging multilingual at ang pagkakaroon ng kaalaman sa ibang kultura, may natatanging halaga ang pagkakaroon ng sariling wikang kinagisnan. Isa itong pagpapahayag ng pagmamalaking Pilipinoโkung saan tinatanggap ang mga kultura, lokal man o dayuhan, basta't hindi nalilimutan ng isa ang kanyang pinagmulan.
(c) Brigid Edisan
(c) Sharlexa Fadriquela