12/05/2026
At kapag mabigat na, pwede mo ‘ko yayain mag-ice cream,
Walang sermon, walang tanong, tahimik lang tayong dalawa.
Uupo sa tabi, hahayaang matunaw ang sorbetes,
Habang inuubos mo yung bigat na dala-dala mo maghapon.
At kapag mabigat na, ako ang bahala sa kutsara,
Ikaw ang bahala sa kwento, kahit iyak ang kasama.
Hindi ko aayusin ang gulo, pero sasamahan kita,
Hanggang yung lamig sa bibig mo maging gaan sa dibdib mo.
At kapag mabigat na, tandaan mo lang sana,
May isang tao at isang cone na laging handa para sa’yo,
-ako na laging nandito