Laguna First District News

  • Home
  • Laguna First District News

Laguna First District News An Online News Portal dedicated to bring fresh and recent news, information and events happening ins

30/10/2023

𝗔𝗧𝗧𝗬. π— π—˜π—Ÿπ—©π—œπ—‘ π— π—”π—§π—œπ—•π—”π—š, π—‘π—”π—š-π—”π—¦π—”π—Ÿ 𝗛𝗔π—₯π—œ 𝗦𝗔 π—œπ—¦π—”π—‘π—š 𝗣π—₯π—˜π—¦π—œπ—‘π—§π—’ 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗑 π—£π—˜π——π—₯𝗒!

Pinagmumura at dinuro-duro ni Atty Melvin Matibag, asawa ni San Pedro Congressional Representative Ann Matibag ang isang poll watcher sa Barangay Sto. Nino, Lungsod ng San Pedro matapos itong hindi sumunod sa utos na lumabas siya ng nasabing presinto.

Base sa kwento ng mga nakasaksi, pinalalabas ni Atty, Melvin Matibag ang mga poll watchers ng kalabang kandidato na kanilang sinusuportahan. Nang hindi ito lumabas ay sinugod at pinagmumura niya ito at tinakot pa umanong ipapadampot sa kapulisan.

Pinagmumura din umano ni Melvin Matibag ang tagapagbantay ng paaralan matapos nitong hingian si Melvin Matibag ng COMELEC ID para makapa*ok ito at magikot ikot sa paaralan.

Ikinagalit naman ito ng ilang resindent ng Barangay Sto. NiΓ±o dahil wala sa lugar ang paghahari-harian nito dahil hindi naman ito botante ng nasabing barangay.

Inihahanda na din ang pormal na reklamo laban kay Melvin Matibag.

π—£π—”π— π—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—”π—‘π—š π—Ÿπ—¨π—‘π—šπ—¦π—’π—— π—‘π—š 𝗦𝗔𝗑 π—£π—˜π——π—₯𝗒, π—‘π—”π— π—œπ—šπ—”π—¬ π—‘π—š π—™π—’π—’π——π—£π—”π—–π—žπ—¦ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—‘π—”π—šπ—£π—’π—¦π—œπ—§π—œπ—•π—’ 𝗦𝗔 π—–π—’π—©π—œπ——-𝟭𝟡Sa bayan ng San Pedro na may t...
12/10/2021

π—£π—”π— π—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—”π—‘π—š π—Ÿπ—¨π—‘π—šπ—¦π—’π—— π—‘π—š 𝗦𝗔𝗑 π—£π—˜π——π—₯𝗒, π—‘π—”π— π—œπ—šπ—”π—¬ π—‘π—š π—™π—’π—’π——π—£π—”π—–π—žπ—¦ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—‘π—”π—šπ—£π—’π—¦π—œπ—§π—œπ—•π—’ 𝗦𝗔 π—–π—’π—©π—œπ——-𝟭𝟡

Sa bayan ng San Pedro na may tinatayang 27 na barangay na naapektuhan ng Covid-19 at sa kasalukuyan ay nakararanas ng mga active cases ay nakatanggap ng mga food packages mula sa Pamahalaang Lungsod ng San Pedro.

Ang nasabing pamimigay ng tulong ay pinangunahan ni Mayor Lourdes S. Cataquiz, na siya ring tinulungan ng kawani ng Pamahalaang Barangay at ng Barangay Health Emergency Response Team o BHERT.

Ang nasabing pamamahagi ng food packages ay naganap mismo sa araw na ito, ika-12 ng Oktubre, taong kasalukuyan. Ang nasabing aktibidad na ito ay nakapost sa Official page ng Lungsod ng San Pedro City, Laguna.

(c) Jefferson Paul Carali | News Correspondent | LFDN

🚨VOTER'S REGISTRATION IS EXTENDED! 🚨This is not a drill. Hindi lahat ng tao nabibigyan ng second chances kaya wag mo na ...
29/09/2021

🚨VOTER'S REGISTRATION IS EXTENDED! 🚨

This is not a drill. Hindi lahat ng tao nabibigyan ng second chances kaya wag mo na palampasin ito. Deadline is now on October 31, 2021

Register na habang may time pa!

08/09/2021

𝗣𝗔𝗑𝗒𝗒π—₯π—œπ—‘: Dahil sa walang humpay na dredging activities na ginagawa ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro, hindi man lang umabot sa Orange Level ang tubig sa San Isidro River.

Kaya naman mabilis agad nawala ang tubig sa mga lugar na madalas bahain noon tulad ng Barangay San Antonio, Cuyab, Sto. NiΓ±o at Poblacion.

Puspusan naman ang ginawang clearing operation ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at City Engineering Office (CEO) sa mga puno na malapit sa mga kable ng kuryente na maaring maging dahilan ng brownout.

(c) City of San Pedro

08/09/2021

𝗣𝗔𝗑𝗒𝗒π—₯π—œπ—‘: Ilog ng BiΓ±an sa Laguna, umapaw na. Ayon sa CDRRMO ng lungsod, baha na ang ilang lugar sa Brgy. San Jose, Brgy. Malaban, Brgy. Casile, Brgy. Canlalay, Brgy. Dela Paz, at Brgy. Poblacion.

Video courtesy: Rey Buhay

𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ π——π—œπ— π—”π—šπ—¨π—œπ—Ÿπ—”: 𝗖𝗨π—₯π—™π—˜π—ͺ π—©π—œπ—’π—Ÿπ—”π—§π—’π—₯𝗦, 𝗫 𝗦𝗔 𝗔𝗬𝗨𝗗𝗔Nagbabala si City Mayor Arman Dimaguila sa mga mahuhuling lumalabag sa curf...
17/08/2021

𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ π——π—œπ— π—”π—šπ—¨π—œπ—Ÿπ—”: 𝗖𝗨π—₯π—™π—˜π—ͺ π—©π—œπ—’π—Ÿπ—”π—§π—’π—₯𝗦, 𝗫 𝗦𝗔 𝗔𝗬𝗨𝗗𝗔

Nagbabala si City Mayor Arman Dimaguila sa mga mahuhuling lumalabag sa curfew na hindi sila makakatanggap ng ayuda mula sa DSWD.

Sa kanyang Facebook post: "Ang mga Barangay, POSO at Marshall ay manghuhuli ng hindi APOR. Kukunin ang pangalan pati ng mga magulang.. X kayo sa darating na AYUDA!"

Ipinaliwanag din ni Mayor Arman Dimaguila sa kanyang programa sa radyo na P305, 951,000 piso lamang ang ibinigay ng MalacaΓ±ang na pondo para sa ayuda at hindi talaga ito sasapat sa mga residente.

Inaanyayahan naman ni Mayor Dimaguila ang kanyang mga nasasakupan na makinig sa kanyang programa sa radyo upang masagot ang kanilang mga katanungan tungkol sa ayuda.

- Jefferson Paul Carali | News Correspondent | Laguna First District News

𝗦𝗣𝗒𝗫 𝗛𝗔π—₯π—₯𝗬 π—₯π—’π—€π—¨π—˜: π— π—”π—‘π—šπ—¨π—§π—”π—‘π—š 𝗠𝗨𝗑𝗔!Naunan nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mangutang muna ang ating...
12/08/2021

𝗦𝗣𝗒𝗫 𝗛𝗔π—₯π—₯𝗬 π—₯π—’π—€π—¨π—˜: π— π—”π—‘π—šπ—¨π—§π—”π—‘π—š 𝗠𝗨𝗑𝗔!

Naunan nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mangutang muna ang ating mga kababayan na kabilang sa 4p's dahil hindi pa sigurado kung saan kukunin ang pondo na ibibigay bilang ayuda.

Inamin din ng MalacaΓ±ang na nahirapan silang maghanap ng ayuda para sa Metro Manila. Kung kaya't mas hirap silang makahanap ng pondo para sa mga lugar na biglang dineklara na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ni Pangulong Duterte tulad ng Laguna, Ilo-ilo at Cagayan de Oro.

Binigyang diin din ni Roque, na hindi lahat ng ating mga kababayan na nasa ECQ ay mabibigyan. Prioridad ng Pamahalaang Nasyonal ang mga 4p's, Senior Citizens at Solo Parent.

Ayon naman sa DSWD, malaki ang tyansa na kung sino ang nakalista sa unang 3rd SAP ay siya rin ang makakakuha ng ayuda. Pero inaatay pa rin nila sa ngayon na ibaba ang pondo sa Laguna, Cagayan De Oro at Ilo-ilo.

Pinaalalahanan din ng DSWD na walang kinalaman ang mga Mayor, Congressman at Governor sa pondo at listahan na ilalabas sa ayuda. Sila lamang ang mamamahagi nito batay sa listahan na inilabas ng DSWD na prioridad ayon sa Pangulong Duterte.

- Eleazar Bartolome | News Correspondent | Laguna First District

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘: Ipinakita ni BiΓ±an City Mayor Arman Dimaguila ang sitwasyon sa BiΓ±an Community Hospital na halos puno na at gin...
12/08/2021

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘: Ipinakita ni BiΓ±an City Mayor Arman Dimaguila ang sitwasyon sa BiΓ±an Community Hospital na halos puno na at ginawa na ding extension ng ospital ang parking lot nito dahil sa biglang pagtaas ng ka*o ng Covid-19 sa buong lungsod.

Muling nag paalala si City Mayor Dimaguila, "Mga magulang, wag nyo ng palabasin mga anak nyo.. Lalo mga may edad at kondisyon. Hanggang parking lot na ho ang pasyente sa ating ospital. Pagod na pagod narin ho ang mga frontliners natin..tumataas ang positive.. Dumadami ang namamatay...kahit mga bata."

- Jefferson Paul Carali | News Correspondent | Laguna First District News

𝗣𝗒𝗑𝗗𝗒 𝗦𝗔 𝗔𝗬𝗨𝗗𝗔, π—ͺπ—”π—Ÿπ—” 𝗣𝗔!Inaantay pa rin hanggang sa ngayon ng mga Mayor mula sa lalawigan ng Laguna ang pondo mula sa De...
10/08/2021

𝗣𝗒𝗑𝗗𝗒 𝗦𝗔 𝗔𝗬𝗨𝗗𝗔, π—ͺπ—”π—Ÿπ—” 𝗣𝗔!

Inaantay pa rin hanggang sa ngayon ng mga Mayor mula sa lalawigan ng Laguna ang pondo mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipapamahagi bilang ayuda sa kanilang mga kababayan.

Ito ay kahit nag anunsyo na ang Department of Interior and Local Government (DILG) na magsisimula na ang pamamahagi ng ayuda sa National Capital Region (NCR) bukas, August 11, 2021. Subalit ang pondo para sa Laguna, Ilo-ilo City at Cagayan de Oro ay wala pang balita kung kailan ilalabas.

Ayon naman sa DSWD Region IV-A, nagaantay lamang sila ng abiso mula sa Department of Budget and Management (DBM) kung kailan ilalabas ang pondo ng ayuda para sa probinsya ng Laguna at kaagad naman itong idownload sa mga bayan at lungsod.

Nauna nang binigyang diin ng DSWD na maglalabas sila ng listahan ng mga pamilyang makakatanggap ng P1,000 hanggang P4,000 ayuda na bibigyang prioridad ang mga 4p's, senior citizens at mga single parent.

- Paul Jefferson Carali | News Correspondent | Laguna First District News

𝗗𝗦π—ͺ𝗗, π—‘π—”π—žπ—”π—§π—”π—žπ——π—”π—‘π—š π— π—”π—šπ—Ÿπ—”π—•π—”π—¦ π—‘π—š π—Ÿπ—œπ—¦π—§π—”π—›π—”π—‘ π—‘π—š π— π—”π—žπ—”π—žπ—”π—§π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—£ π—‘π—š 𝗔𝗬𝗨𝗗𝗔Ayon sa DSWD Regional Office, nakatakdang maglabas bukas...
07/08/2021

𝗗𝗦π—ͺ𝗗, π—‘π—”π—žπ—”π—§π—”π—žπ——π—”π—‘π—š π— π—”π—šπ—Ÿπ—”π—•π—”π—¦ π—‘π—š π—Ÿπ—œπ—¦π—§π—”π—›π—”π—‘ π—‘π—š π— π—”π—žπ—”π—žπ—”π—§π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—£ π—‘π—š 𝗔𝗬𝗨𝗗𝗔

Ayon sa DSWD Regional Office, nakatakdang maglabas bukas ng listahan ang kanilang ahensya ng mga pangalan na makakatanggap ng ayuda mula sa Pamahalaang Nasyonal.

Prioridad sa listahan ang mga miyembro ng 4ps, solo parent at mga senior citizens.

Binigyang diin ng ahensya na hindi lahat ng pamilya ay makakatanggap ng P1,000 hanggang P4,000 pisong ayuda mula sa gobyerno dahil sa kakulangan sa pondo.

"Ang DSWD po ang magbibigay ng listahan ng mga benepisaryo ng ayuda na atin pong ibibigay sa mga Local Governement Unit (LGU) sila po ang magpapamahagi nito. Malinaw po ang guideliness mula sa MalacaΓ±ang na prioridad po ng ating pamahalaang ang mg kapos-palad at walang wala."

- Paul Jefferson Carali | News Correspondent | Laguna First District News

05/08/2021

𝗣𝗔𝗑𝗒𝗒π—₯π—œπ—‘: Pag-aresto sa isang empleyado ng Bureau of Customs sa Binan Laguna dahil sa umano'y fixing at extortion.

Nagtulong ang Anti-Red Tape Authority at CIDG para mahuli ang lalaki na isang acting collecting officer at concurrent custodian ng BOC sa Laguna Technopark, Inc. sa BiΓ±an, Laguna.

Sa isang entrapment operation, huli sa aktong nanghihingi at tumatanggap ng pera ang BOC employee sa isang negosyante.

Nasa CIDG na ang lalaki at nahaharap sa mga ka*ong may kaugnayan sa Republic Act No. 11032 or the Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018. | via Allan Francisco

25/07/2021

𝗣𝗔𝗑𝗒𝗒π—₯π—œπ—‘: Isang binatilyo, nirescue ang isang a*o sa rumaragasang ilog sa BiΓ±an City, Laguna.

Ayon sa uploader na si Margole Ilagan, "7am nakita ko ang A*o sa Ilog iyak ng iyak 11 am na ng rescue siya. God bless you kuya! sa kabila ng matinding pagsubok na dinadanas natin sadyang may mga tao na mabubuti ang puso. Sana dumami pa ang katulad mo. Stay safe BiΓ±anenses!"

Marami naman ang natuwa sa kabayanihan ng binatilyo at kaagad nag trending ang post na umani ng 2k shares at halos 10k na reaction.

(c) Jefferson Paul Carali | News Correspondent | LFDN

Address


Telephone

+639106274264

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Laguna First District News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share