
08/02/2025
Kaibigan o kabitan💔
Napabalita ang hiwalayan nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, at isa sa mga isyung lumutang ay tungkol sa pagkakaroon ng opposite-sex friends habang nasa relasyon. Lesson learned? Dapat may malinaw na boundaries para maiwasan ang conflict! 🚧🔥
Narito ang ilang halimbawa ng "friendly" na baka nagmumukha nang flirty at posibleng magdulot ng problema sa relasyon:
❌ Late-night chats na walang saysay – Kung hindi naman importante, bakit kailangang mag-text ng "Gising ka pa sa hatinggabi? 🕛📲
❌ Overly personal na usapan – Kung may problema ka, mas dapat mong kinakausap ang partner mo, hindi ang isang “special friend” na mas updated sa buhay mo kaysa sa kanya. 🫢
❌ Inside jokes at exclusive chats – Kung hindi mo kayang ipabasa sa partner mo ang convo niyo dahil baka magalit siya, baka may mali na talaga. 🤨
❌ Madalas na pangungumusta at updates – Kung parang ikaw na ang daily good morning/good night texter nila, hmm… partner duties na ‘yan! 😬
Bottom line: Kung hindi mo kayang gawin ‘yan sa harap ng partner mo, baka hindi mo dapat ginagawa.
🚦 Respect, honesty, at clear boundaries ang sikreto para maiwasan ang pag-aaway at pag-aalinlangan sa relasyon.
Ano’ng opinion mo dito? Let’s talk! ⬇️💬