
02/09/2025
๐ฝ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐ ๐๐ ๐พ๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐
The spirit of Buwan ng Wika burned bright on September 2, 2025, as Biรฑan City Senior High School โ San Antonio Campus held its much-awaited Talumpati Contest at the E-Library, which began promptly at eight oโclock in the morning.
Anchored on this yearโs theme, โPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa,โ the contest highlighted the importance of language and culture in shaping identity. It became a stage for nine passionate participants who showcased not only their skill in public speaking, but also their ability to inspire and move hearts through words. The speeches reminded everyone that the Filipino language is more than just a tool of communicationโit is a vessel of patriotism, values, and unity.
After a series of heartfelt and meaningful speeches, Yurie Yap from Grade 12 โ Class 10 was hailed as Champion. Meanwhile, Jimmuel Delgado from Grade 11 โ Class 11 earned First Place, and Euka Fajardo from Grade 11 โ Class 1 received Second Place.
Their confidence, eloquence, and impactful messages stood out, earning them well-deserved recognition.
But more than the awards, the event was about celebrating the beauty of the national language and the voice of the Filipino youth. Amid the cheers and applause, one thing became clear: the words of todayโs generation are powerful enough to shape the future.
---
๐ต๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐ ๐๐ ๐พ๐๐๐
Nag-alab ang diwa ng Buwan ng Wika noong Setyembre 2, 2025, nang isinagawa ng Biรฑan City Senior High School โ San Antonio Campus ang inaabangang Paligsahan sa Talumpati sa E-Library na nagsimula eksaktong alas-otso ng umaga.
Kaakibat ng temang โPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa,โ itinampok ng patimpalak ang kahalagahan ng wika at kultura sa paghubog ng ating pagkakakilanlan. Nagsilbing entablado ito para sa siyam na masisigasig na kalahok na ipinamalas hindi lamang ang husay sa pagsasalita, kundi pati ang kakayahang magbigay-inspirasyon at magpagalaw ng damdamin gamit ang kanilang mga salita. Ang mga talumpati ay nagsilbing paalala na ang wikang Filipino ay higit pa sa kasangkapan ng komunikasyonโito ay sisidlan ng pagkamakabayan, pagpapahalaga, at pagkakaisa.
Matapos ang sunod-sunod na makabuluhan at taos-pusong talumpati, itinanghal bilang Kampyon si Yurie Yap mula sa Grade 12 โ Class 10. Nakuha naman ni Jimmuel Delgado mula sa Grade 11 โ Class 11 ang Unang Gantimpala, habang si Euka Fajardo mula sa Grade 11 โ Class 1 ang itinanghal na Ikalawang Gantimpala.
Nangibabaw ang kanilang kumpiyansa, husay sa pagbigkas, at malalim na mensahe, dahilan upang silaโy makatanggap ng nararapat na pagkilala.
Ngunit higit pa sa panalo, ang pagdiriwang ay tungkol sa pagpapahalaga sa kagandahan ng ating pambansang wika at sa tinig ng kabataang Pilipino. Sa gitna ng masigabong palakpakan, isang bagay ang naging malinaw: ang mga salita ng bagong henerasyon ay sapat na makapangyarihan upang hubugin ang kinabukasan.
๐ธ By: M. Caberoy
โ๐ปBy: Z. Defante