14/07/2026
𝗕𝗮𝘁𝗮, 𝗛𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗞𝗮 𝗕𝗮? 𝐃𝐞𝐩𝐄𝐝 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 𝐍𝐨.𝟔 𝗜𝘀𝗶𝗻𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴: 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗜𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱, 𝗞𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗠𝗼 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴-𝘂𝗻𝗹𝗮𝗱
𝑁𝑖: 𝑆ℎ𝑒𝑒𝑛𝑎 𝐽𝑒𝑎𝑛 𝐺𝑒𝑣𝑒𝑟𝑜
𝐼𝑙𝑢𝑠𝑡𝑟𝑎𝑠𝑦𝑜𝑛 𝑛𝑖: 𝑀𝑖𝑒𝑠ℎ𝑎 𝐽ℎ𝑒𝑙𝑙𝑎𝑛𝑒 𝑃𝑟𝑜𝑡𝑎𝑐𝑖𝑜
Kahandaan, pagiging alerto, seguridad, at pagbabago—iyan ang hangarin ng 𝐷𝑒𝑝𝐸𝑑 𝑂𝑟𝑑𝑒𝑟 𝑁𝑜. 6 para sa mga kabataang Pilipino. Noong Hulyo 13, 2026, nagsagawa ang Southville 5A Integrated National High School (SV5A INHS) ng 𝑆𝑎𝑓𝑒𝑡𝑦 𝑎𝑛𝑑 𝑆𝑒𝑐𝑢𝑟𝑖𝑡𝑦 𝑂𝑟𝑖𝑒𝑛𝑡𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 sa pangunguna ng mga g**o at ng Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mag-aaral.
Isa sa mga pangunahing tinalakay ang cyberbullying at ang lumalalang banta ng mga online school threats na kumakalat sa social media. Ipinaliwanag ang mga posibleng epekto nito sa kalusugang pangkaisipan, kabilang ang stress, anxiety, takot, at pagbaba ng konsentrasyon. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng responsableng paggamit ng social media at ang masasamang epekto ng pagkalat ng maling impormasyon, pangungutya sa internet, at online na pananakot, na nagdudulot ng matinding pagkabahala sa mga mag-aaral.
Tinalakay rin ang 𝑁𝑜 𝐶𝑒𝑙𝑙𝑝ℎ𝑜𝑛𝑒 𝑃𝑜𝑙𝑖𝑐𝑦 bilang hakbang upang mabawasan ang mga distraksiyon sa loob ng silid-aralan. Ayon sa mga pag-aaral sa neuroscience, ang madalas na paglipat ng atensiyon sa mga notification at social media ay nakaaapekto sa kakayahan ng utak na magpokus, magpanatili ng impormasyon, at matuto. Sa pamamagitan ng No Cellphone Policy, nababawasan ang mga distraksiyon, napabubuti ang konsentrasyon, at nahihikayat ang mas aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto.
Ipinakita sa orientation na ang pagtuturo ng kaligtasan ng kabataan ay hindi lamang para sa loob ng paaralan kundi maging sa digital na kapaligiran. Ayon kay PEMS Claro Ganceña Jr., “𝐾𝑎𝑝𝑎𝑔 𝑎𝑤𝑎𝑟𝑒 𝑘𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑔𝑎𝑦, 𝑎𝑙𝑎𝑚 𝑚𝑜 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑔𝑎𝑤𝑖𝑛 𝑚𝑜. 𝐿𝑖𝑔𝑡𝑎𝑠 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑦 𝑎𝑙𝑎𝑚.”
Inaasahang makatutulong ang ganitong mga programa sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga mag-aaral. Hindi lamang ito nakabatay sa pagpapatupad ng mga alituntunin, kundi maging sa paggamit ng siyentipikong kaalaman upang mapangalagaan ang kanilang pisikal at sikolohikal na kalagayan. Sa pamamagitan ng kooperasyon at tamang kaalaman, mas epektibong maisusulong ang ligtas na kapaligiran para sa lahat.
Sa kasalukuyang panahon, ligtas ang may alam. Ang DepEd Order No. 6 ay hindi lamang isang polisiya kundi isang tugon sa mga hamong kinakaharap ng mga kabataan. Sa tulong ng agham, teknolohiya, at sama-samang pagkilos, maisusulong ang isang ligtas, responsable, at mas maunlad na kinabukasan para sa bawat mag-aaral.