14/09/2025
"Mga kapatid, magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng ibaʼt ibang uri ng pagsubok, sapagkat alam ninyong ang pagsubok ng inyong pananampalataya ay nagdudulot ng katatagan. Kaya dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang maging ganap at walang anumang pagkukulang ang buhay ninyo." (Santiago 1:2-4, ASD)
Trials are blessings in disguise.
Minsan iniisip natin, “Lord, bakit ako nahihirapan?” Pero sabi ni James, “magalak kayo.” Hindi dahil masaya magkaroon ng problema, kundi dahil may purpose ang mga ito:
• Trials train us.
• Problems purify us.
• Struggles strengthen us.
Faith grows through resistance.
Katulad ng muscle, hindi ito lalakas kung walang resistance. Ganoon din ang faith. Hindi ito lalalim kung hindi natetest.
Kapag may trials, tinuturuan tayo ni Lord to depend more on Him kaysa sa sarili nating talino at lakas.
God’s goal is maturity.
Yung “maging ganap at walang anumang pagkukulang” ay picture ng isang believer na hindi madaling matinag. Mature, firm, complete. Hindi perfect, pero equipped. Hindi kulang sa faith, love, at hope.
Example:
Isipin mo yung student na laging may exam. Ayaw niya ng test kasi mahirap, pero doon lumalabas kung gaano na siya natuto. Kung puro lecture lang at walang exam, hindi siya magiging handa sa real life.
Ganun din tayo: God allows life’s exams para hindi tayo manatiling “baby Christian,” kundi maging mature believer.
Kaya nxt time na may dumating na problema, huwag agad magtanong ng “Lord, bakit ako?”
Instead, “Lord, ano po ang tinuturo Nyo sa akin dito? Paano Nyo po ako binubuo?”
Remember: Trials today are the training grounds for tomorrow’s victories.
Ang tunay na pananampalataya ay nagpapatuloy, hindi sumusuko agad.