29/12/2020
Ang sarap pala sa pakiramdam na nakakatulong kahit sa maliit na bagay 🤗
Sya po si Tatay Raffy Paras at sya po ay nasa 70+ na edad na po at dati po siyang naglalako ng Tinapa at palagi syang nadadaan sa lugar namin, Hindi na po sya nakakapag tinda ngayon dahil may katandaan na po at hirap na maglakad, ang kanyang mga mata rin po ay parehas nang malabo kaya naaaninag nalamang nya kami kanina noong nagpunta kami sa bahay nila.
Nakita laman namin sila nung pasko kaya napagpasyahan namin na mag ambagan upang makatulong, mabuti nalamang at hindi kami nahirapan sa paghahanap ng bahay nila. Maraming salamat po sa nagturo kung saan sila nakatira, God bless po ate Susan
Yan po tatay Raffy ang napag ambagan namin para makatulong po sa inyo at para mayroon na rin po kayong pang bagong taon, di man po yan karamihan pero sana po ay nagustuhan nyo. Salamat din po kay Ate Czy Paralejas, Dicimulacion Fam. para sa pinadala nyo din po. Tuwang tuwa po si tatay at nanay sa natanggap po nila.
Merry Christmas and Happy New year po Tatay Raffy. 💛💚
ps. Salamat po sa bumubuo ng JNAMB P sa ideyang ito.
God bless Us 💚
Diyos na po ang bahalang magpala sa ating lahat 💛
insert. Ara,Naomi,Erica,Pr,Bea