10/09/2025
Update lang mga Idol !
About po dun sa post ng ating isang customer pasensya na po kung hindi po kami naka pag reply kaagad gawa po ng ang ating mekaniko na si Remie na mismong gumagawa ng Bi-led ay may lakad po nung araw na iyon ako po ay humihingi ng pasensya kung di po namin na re-replyan ang ibang may mga katanungan. Tungkol po naman dun sa backjob na lens Yes po aminado naman po ang ating mekaniko na nabasag niya ang LENS pero INABONOHAN niya po ito mismo at Ginawa, iyun po ay napag usapan na. Tungkol naman po sa SWITCH na backjob daw po ng mekaniko natin sa switch naman po may nasira, lumuwag daw hindi na po namin sagot iyun dahil ayan na po yung kasama niyo sa binili ninyo. minsan po kasi di po pang matagalan yung kasamang Switch sa Bundle ng Biled na nabibili sa orange app. Kasi po saamin Labor lang po talaga sa customer po ang Pyesa. Tungkol naman sa schedules natin pasensya na po kayo kung minsan di po kami maka pag bigay ng schedule o exact date sa mga Gagawan dahil po ang ating mekaniko ay may sarili din po na Trabaho nasa kanya po kasi ang sagot dahil siya po ang gagawa kaya po minsan di po agad namin ma schedule ang iba kaagad agad. Kami po ay humihingi ng paumanhin at pasensya sa mga nagawan po namin, sana po maintindihan po ninyo. Maraming salamat po sa pang-unawa at supportang Binigay ninyo🤗 maraming salamat po!
About po dun sa Ibang comments patungkol kay “EM” tulad po ng “ Binentahan ng 6k na pyesa”
Yung tao pong nag kwento nun ay Pinatawag po namin sa BARANGAY TAYUMAN BINANGONAN RIZAL naka Tatlong padala po hindi po ito SUMIPOT para maka usap sana kaharap ang mga Opisyal at malaman ang totoong patungkol sa kwento at paninirang ginawa nung taong iyun pero hindi ito Pumunta sa ikatlong patawag ng punong Barangay. Yung issue po na yun wala pong kinalaman sa pag gawa ng Bi-led ito po ay personal matters. I don't answer any questions without a lawyer present nothing more, nothing less.
Yun lamang po salamat po muli sa mga patuloy na support at pag titiwala saatin 🤗