22/04/2025
Hindi biro ang pag gawa ng isang obra, may kaakibat itong matinding responsibilidad at higit sa lahat matinding sakripisyo, simula sa kosepto, production shooting, talents, location hanggang sa post production, at marami pa bago mo mapalabas ang isang obra na nasa utak mo.
Ang kwento ng âKALYOâ ay nag lalarawan kung pano mag pahalaga sa isang RELASYON, mapa KAIBIGAN man o MAGULANG, ipinapakita dito na ang isang taong marunong mag tanim ng magandang bagay sa kapya nya ay may kapalit din na kabutihang matatanggap mula sa mga taong ginawan nya nito, isang mabuting halimbawa ng pag papakumbaba, walang halong kayabangan sa katawan at punong puno ng determinasyon para sa kanyang mahal sa buhay,
Bukod doon ipinapakita din dito ang mga negatibong ugali ng isang tao na karaniwang nangyayari parin sa panahon ngayon, MAPANG HUSGA SA KAPWA, MAYABANG, MAPAG MALAKI, at higit sa lahat punung puno ng INGGIT sa katawan,
Ganun pa man totoong totoo ang mensaheng pinapakita dito, na âKAPAG NAGTANIM KA NG MABUTI SA TAO, ISANG ARAW MAGUGULAT KA NALANG, BABALIK SAYO LAHAT NG ITO!â
Kaya saludo ako sa mga taong marunong magtanim ng magaganda sa kapwa nya, isang araw magugulat nalang kayo babalik sa inyo ng doble ung mga mabubuting bagay na ginagawa nyo đ
At para naman sa mga taong nagtatanim ng PANGIT sa kapwa nila, MAG ANTAY ka nag aantay lang sayo ang KARMA!!
Letâs Go tanim lang ng tanim ng mabubuti sa kapwa đ