31/07/2025
๐๐๐๐๐๐๐ | Isang makabuluhan at matagumpay na ikalawang araw ng Campus Journalism Training & Workshop ang isinagawa kahapon, Hulyo 30, 2025!
โMuling binuksan ang programa sa pamamagitan ng masiglang pagbati at paalala para sa mga kalahok. Sa ikalawang araw, mas pinalalim pa ang kaalaman ng mga dumalo sa ibaโt ibang larangan ng pamamahayag sa tulong ng mga piling tagapagsalita na tunay na eksperto sa kani-kanilang larangan.
โPinangunahan ni G. Reven B. Amigo ang talakayan ukol sa Photojournalism, habang si Gng. Saira Medina naman ang nagbahagi ng kaniyang kaalaman sa Sci-Tech Writing. Matapos nito, itinuro ni G. Marlon M. Bibiano ang sining ng Editorial Cartooning at si Gng. Lorraine Mae Anoran ang naging tagapagsanay para sa Layout and Publishing. Hindi rin nagpahuli ang sesyon ng Radio Broadcasting na pinangunahan ng batikang tagapagsalita na si G. Patrick John Mangalos.
โBawat talakayan ay nagbigay inspirasyon at bagong pananaw sa mga kabataang mamamahayag na nagnanais mahasa sa sining ng panulat at komunikasyon.
โBuong puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa. Nawaโy baunin ninyo ang mga bagong kaalaman at karanasang ito bilang puhunan sa inyong paglalakbay bilang mga tagapagdala ng katotohanan at tinig ng masa.
โMuli, hangad namin ang inyong tagumpay sa paglalakbay patungo sa ๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด at ๐ง๐ต๐ฒ ๐ ๐ฎ๐ฑ๐ฟ๐ถ๐ด๐ฎ๐น ๐ง๐ฟ๐ถ๐ฏ๐๐ป๐ฒ โ mga tahanan ng mapanuring isip at pusong alagad ng panulat.
๐ ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ท๐ผ๐๐ฟ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐๐บ ๐ถ๐ป ๐ฐ๐ฎ๐บ๐ฝ๐๐!
๐ฃ๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐๐ผ๐ป, ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ฎ๐ป๐!
๐๏ธ Sulat ni: Ryhanna Sevacho, Punong Patnugot