23/06/2025
MGA GAWAING DAPAT IWASAN PAGKAGISING NA NAKAKATULONG PARA HINDI MA-HIGHBLOOD AT STROKE!
โ ๏ธ 1. Biglang bangon o pagtayo mula sa higaan
๐ก Bakit delikado?
Kapag agad tayong tumayo pagkagising, bigla ang pag-adjust ng dugo sa ulo at puso. Maaaring magdulot ito ng pagkahilo, biglang taas/baba ng BP, at posibleng stroke sa mga may sakit sa ugat o puso.
๐ Disclaimer: Hindi po masama tumayo agad kung malusog ang katawan. Pero para sa mga may high blood, senior, o may iniindang sakit, mas mainam na umupo muna ng ilang segundo bago tumayo.
โ ๏ธ 2. Pag-inom agad ng kape o matatamis na inumin pagkagising
๐ก Bakit delikado?
Natural na mataas ang cortisol (stress hormone) pagkagising. Kung sasabayan agad ng kape o sugar, posibleng tumaas pa lalo ang BP o sumakit ang ulo ng mga sensitibo.
โ๏ธ Disclaimer: Hindi po sinasabing masama ang kape. Ang punto ay i-delay lang ito ng ilang minuto pagkagising (uminom muna ng tubig) para hindi ma-shock ang katawan, lalo na kung may high blood o sakit sa puso.
โ ๏ธ 3. Pagka-stress agad (pagbukas ng cellphone, balita, social media)
๐ก Bakit delikado?
Ang stress agad pagkagising ay nagpapabilis ng tibok ng puso at nakakataas ng BP.
๐ฑ Disclaimer: Okay lang pong magbasa/manood ng balita, pero mas maganda kung banayad muna ang simula ng umaga. Maiksi lang na oras ng tahimik na paghinga o stretching bago sumabak sa balita ay malaking tulong sa katawan.
โ ๏ธ 4. Walang pag-inom ng tubig bago kumain o magkape
๐ก Bakit delikado?
Kapag kulang sa tubig pagkagising, mas malapot ang dugo, mas hirap ang puso sa pagpaikot ng dugo.
๐ง Disclaimer: Hindi po ibig sabihin ay uminom agad ng maraming tubig. Isang basong maligamgam na tubig lang sapat na para i-hydrate ang katawan.
โ ๏ธ 5. Biglaang ehersisyo o pag-stretch ng walang warm-up
๐ก Bakit delikado?
Ang malamig pa na kalamnan sa umaga ay mas prone sa injury o biglang taas ng BP kung biglang gumalaw nang matindi.
๐ Disclaimer: Hindi po masama ang pag-eehersisyo sa umaga. Ang mahalaga ay may banayad na warm-up o stretching muna bago mag-intense movement.
โ ๏ธ 6. Pagligo agad ng malamig na tubig lalo sa batok
๐ก Bakit delikado?
Malamig na tubig sa batok pagkagising ay maaaring magpasikip ng ugat at mag-trigger ng pagtaas ng BP o pagkahilo.
๐ฟ Disclaimer: Pwede naman maligo agad. Pero kung senior, may high blood, o may history ng stroke โ mas ligtas ang maligamgam o room temp na tubig.
ctto.